Advertisers

Advertisers

SIKARAN ACTION PA MORE AFTER 2024, HIGH FIVE 2025!

0 11

Advertisers

Mas maaksiyong kaganapan sa larangan ng Sikaran ang maaasahan sa darating na taon 2025 di lamang sa bayan ng Tanay sa lalawigan ng Rizal kundi sa buong kapuluan.

Ito ang long vision ni Sikaran Master GSF secretary- general Crisanto Cuevas at ilalatag na ito pagkatapos ng 2024 at sa papasok nang 2025.

Si Cuevas na founding head ng Sikaran Raven Tanay na may pinakamaraming miyembro at winningest club sa bansa dahil na rin sa pagkakaroon ng sariling trainìng center( escuela ng sikaran) sa kanyang maayos. na pagmantini na umani naman ng tagumpay, rekognisyon at suporta mula sa local government.



” Surely our vision is Sikaran’s proliferation in our entire nation.Nag- multiply na ang ating mga local clubs at matataas na ang antas ng kumpetisyon at torneo na nagresulta na ng pagdami ng mga kabataang nahilig nang maglaro ng Sikaran na todo suporta ng mga magulang.Kaya asahan po ninyo ang maaksiyong Sikaran sa susunod na taon 2025″, wika ni Master Cuevas.

Ang Sikaran ay di lamang umangat ang popularidad sa bansa kundi nagpakitang-gilas na sa ibang lupain partikular sa San Francisco CA,USA na tinampukan pa ng pasiklab ng Filipino young Sikaran athletes na nag-perform sa halftime break ng laro ng Golden State Warriors sa NBA na pinalakpakan ng buong galeriya sa Chase.Ito ay naging posible sa pagsisikap ng Global Sikaran Federation sa pamumuno ni founder Grandmaster Hari Osias Catolos Banaag kaagapay si Master Cuevas at iba pang opisyal ng GSF.

Si Cuevas ay kasalukuyang nasa Estados Unidos bukod sa kanyang trabaho ay katuwang sa GSF ng pagpapalawig pa ng Sikaran sa internasyunal na eksena.

Kaya ang buong taong 2024 ay napaka-produktong panahon mula tag-init hanggang tag-lamig na ng Pasko sa Sankakristyanismo.

“Mensahe ko sa darating na Kapaskuhan para sa mga kapatid natin sa Sikaran ay ang matibay at matatag na pagbubuklod- buklod ng Pamilya sa kabila ng pinag daanan natin sa nakalipas na panahon.Ito ang season ng pasasalamat at pag -bibigay puri sa Panginoon at nawa’y maging malakas pa at matatag ang ating organisasyon -ang Global Sikaran Federation,”ani pa Cuevas.



Pinaka-hangarin din niya ang makamit na ang kaukulang rekognisyon sa kanìlang organisasyon na Sikaran mula sa Philippine Olympic Committee( POC) na pinamumunuan ng reelected president Abraham ‘ Bambol’ Tolentino upang maasistehan naman sa resources ng Philippine Sports Commission sa kanilang adhikain sa susunod na taon.

“Wish ko na kilalanin na ng kinauukulan sa POC at PSC ang ating Sikaran na magiging mina ng ginto bilang regular nang NSA and we hope to have an audience with POC Pres.Bambol pag-uwi ko sa Pilipinas early next year. Pinasasalamatan ko rin ang aming LGU sa Rizal partikular sa mga pinagpipitagang Tanjuatcos ng lalawigan,” ani pa Master Cuevas.