Advertisers

Advertisers

Quad Comm imbestigahan talamak parin na smuggling

0 14

Advertisers

KUNG iimbestigahan ng matalinong House Quad Committee ang Bureau of Immigration (BI) kung paano nakalabas ng bansa ang mga wanted personalities tulad nina Harry Roque, Alice Gou, at marami pa… imbestigahan narin nito ang Bureau of Customs (BoC) sa talamak parin smuggling sa bansa.

Nitong mga nakaraang araw kasi ay kaliwa’t kanan ang ginawang pagsalakay ng Customs operatives sa mga warehouses na taguan kuno ng smuggled products at mga tindahan na nag-titinda ng mga puslit at pekeng produkto.

Kung tutuusin kasi, kung talagang nagtatrabaho ng maayos itong mga taga-Customs lalo ang kanilang operatives, hindi na makararating ng warehouse lalo sa tindahan ang mga puslit na produkto. Oo! Dapat sa bakuran palang nila ay kumpiskado na ang mga kontrabando. Right?



So, paano nakalabas ng pintuan ng BoC ang mga kontrabando nang hindi nila natunugan, pero natunton nila kung saang warehouse itinago at kung saang mga tindahan dinala?

Samantalang ang BoC ay mayroong scanning area na mga hightech na ang kagamitan kungsaan sinasala ang mga ire-release na mga kargamento, at mayroon silang mga beteranong intelligence na bumubusisi sa mga dokumento. Bakit nakakalusot parin ang mga kontrabando? Bakit, Commissioner Bienvenido Y. Rubio, Sir?

Sa totoo lang, kumilos lang itong Customs nang atasan ni House Speaker Martin Romualdez na hulihin at kasuhan ang mga negosyanteng smuggler dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa merkado gayung napakamura na sa farm gate.

Dapat nang wakasan ang kabulukan sa BoC, Spkr. Romualdez, Sir!. Atasan n’yo ang Quad Comm na isa-isahin tanggalan ng maskara ang mga tulisan na opisyal sa BoC. Now na!

***



Sinabi ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development na bawal ang mga politiko pumapel o magdiskurso sa pamamahagi ng financial aid mula sa DSWD lalo’t mag-e-eleksiyon.

Sa mga probinsiya kasi, kada bigayan ng ayuda ng DSWD, DOLE at Department of Agriculture (DA) ay present ang buong tiket ng mga kandidato mula sa Congressman, Governor, Vice Governor, Board Member, Mayor, Vice Mayor pati mga konsehal. Nakaupo pa ang mga ito sa presidential table. Tapos magdidiskurso si Congressman, si Governor at si Mayor. Sasabihin nilang: “Pasensiya na kayo mga mahal naming kababayan sa mga ayudang ito para sa inyo!”

Iisipin ngayon ng mga makakatanggap ng ayuda na ito’y galing sa mga politikong ito. Gayung ang katotohanan ito’y taxpayers money. Pera nating lahat na pinag-ambag-ambagan at ibinabalik sa atin ng gobyerno sa pamamagitan ng social services.

Yung mga natatanggap n’yo ngayong ayuda tulad ng AICS at AKAP ay sa DSWD, ang TUPAD ay sa DOLE. Lahat ng pondo rito ay pera nating taxpayers, hindi mula sa bulsa ni mayor, governor o congressman. Maliwanag yan!