Advertisers
Naging masaya at makulay ang hatid ng maagang pagsapit ng araw ng Pasko sa unang distrito ng Batangas na dinaluhan ng nasa apatnapung libong katao mula sa mga bayan ng Taal, Lemery, Tuy, Balayan, Nasugbu, Lian at Lungsod ng Calaca dahil sa handog na christmas concert ni self made billionaire businessman Leandro Legarda Leviste, na may pamagat na “Paskong Todo-Todo sa Unang Distrito” noong araw ng Sabado December 21, 2024.
Kabilang sa mga nagpa-kinang sa gabi ng konsiyerto ay ang mga nag-perform na mga star studed line up ng mga artista, kabilang ang magkapatid na Alex at Toni Gonzaga, Andrea Brillantes, Parokya ni Edgar, rapper na si Flow G, komedyanteng sina Wacky Kiray at Miss Q and A season 2 champion Mitch Montecarlo, binago ng nasabing event ang Nasugbu na biglang naging isang makulay na sentro ng pagdiriwang ng Yuletide Season.
Humarap din sa entablado ang mga mahuhusay na local artist mula sa lalawigan ng Batangas para ipakita ang mayamang kultura ng lalawigan at dahil dito lumikha ng isang ‘di malilimutang gabi ng selebrasyon at pagkakaisa ang handog na Christmas concert.
Buong pagmamalaking ipinahayag naman ni Senator Loren Legarda ang ginawang inisyatiba at dedikasyon ng kanyang anak na si Leandro, para sa kapakanan ng mga Batangueñong taga-unang distrito sa pagsasama-samang ipagdiwang ang Kapaskuhan.
Naging aktibo din sa pagtugon si Leandro Legarda Leviste, sa mga pangangailangan ng mga Batangueño at bukas-palad na nagbibigay ng tulong at suporta ang kanyang presensya at hands-on leadership ay naramdaman lalo noong matapos ang pananalasa ng mga bagyong tumama sa lalawigan, dahil sa kanyang walang sawang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong pamilya. (KOI LAURA)