Advertisers

Advertisers

MABABAW NA KAPULUNGAN

0 32

Advertisers

“HINDI naman ako mukhang kriminal! Sabi nga nila, mabait naman daw ako! Natawa ang inyong abang lingkod nang mabasa ko ang pahayag si Christopher “Bong” Go. Sa lahat ng argumento ito ang patunay na kailangan paigtingin ang pagpili ng mga lingkod-bayan natin. Aniya, pulos kabulaanan ang paratang sa kanya ng Quad Commitee ng mababang Kapulungan. Ani Bong Go :”Na nakapagtataka sa Quadcomm, sila mismo ang nagsabi na huwag idamay ang walang kinalaman. Pero ngayon, parang lahat ng nabanggit sa mga hearing nila, kahit hearsay o walang katibayan idinamay ani nila! “

Sa totoo natawa ako sa sinabi ni Go. Hindi ako abogado, ngunit ito ang alam ko, at pahintulutan niyo na tibagin ko ang argumemto niya: tatlong uri ng pagkadawit ang nakikita ng inyong abang lingkod. Tignan natin ang sinasabi ng Kodigo Penal sa ARTICLE 17, ang mga sumusunod ay tinaguriang mga direktang sangkot, o sa wikang Ingles, ang mga Principals sa pagsagawa ng isang kimen. Ang mga sumusunod ang tinaguriang mga direktang sangkot o principals:

1. Those who take a direct part in the execution of the act; mga direktang sangkot sa pagsasagawa ng krimen. Ito ang mga pumihit ng gatilyo o umunday ng balaraw.



2. Those who directly force or induce others to commit it; ang mga umudiyok na isagawa ang krimen.

3. Those who cooperate in the commission of the offense by another act without which it would not have been accomplished, o ang tumulong sa pagsasagawa ng krimen sa ibang bagay sa ikatutulong ng pagsasagawa ng krimen, na kung wala ito hindi masasagawa ang krimen.

Una, ang may pakana, ang nag-utos sa nagsagawa ng krimen, o ang mastermind. Ito ang may pasimuno kung bakit nangyari ang krimen dahil siya ang “mastermind” o utak. Pangalawa, ang nagpasagawaa ng utos. Ito ay ang taong may kakayahan sabihan ang mga sasagawa ng krimen, ang nagutos sa kasong ito si Bong Go. Mula sa may pakana, inutusan niya si Bato De La Rosa na nagbigay-utos sa mga tauhan niya sa PNP na sasagawa ang krimen. Si Bato ang bumuo ng Oplan Double Barrel at Oplan Tokhang ns naging template para isagawa ang EJK na sinunod ni Oscar Albayalde at Debold Sinas.

Siya ang binilinan ni Bong Go na utos ito ng may pakana o “mastermind” na gawin ang krimen. Ang nag utos kay Bong Go, sa kasong ito, si Rodrigo Roa Duterte. Pangatlo ang sumagawa ng aktuwal na krimen, ang pumisil sa gatilyo o ang nagunday ng balaraw.

At ang pang apat, ang nagpaabot sa mga nagsagawa ng krimen ng bayad o pabuya mula sa may pakana o “mastermind. Kasapakat din sa pagbigay-pabuya, sa utos ni Bong Go si Alyas Muking. Ito lahat ay batay sa testimonya ni Royina Garma. Si Bong Go ang nagbigay pabuya,o kaukulang kabayaran para isagawa ang krimen.



Dawit si Go dahil ipinaabot niya ang utos ng may pakana, at nagbigay siya ng pabuya o bayad sa mga nagsagawa. Sa maikli, hindi inosente si Bong Go, at ang katuwiran na mukha siyang mabait ay hindi katuwiran. Si Lusiper, na pinakamagandang anghel sa kalangitan ay mukha rin mabait kaya katawatawa ang dahilan na ganyan.

Hindi ako abogado ngunit pinaliwanag ko ang Article 14 upang maarok ito ng hindi bihasa sa batas katulad ng inyong abang lingkod. Ang masasabi ko ay maliwanag pa sa sikat ng araw na damay ka talaga Mr. Go. Tama o mga giliw kong tagabasa ng munting kolum ko.

Silang tatlo, Rodrigo Roa Duterte, Bato Dela Rosa at Bong Go ay kaspakat sa EJK. Dawit din si Debold Sinas, Oscar Albayalde at Alyas Muking na naging kasapakat. Dapat nila panagutan ang ginawa nila, at pagbayaran ang pagpatay sa libu-libong biktima ng EJK. Kaya Christopher “Bong” Go, sa prsinto ka magpaliwanag. Harinawa matuldukan na sa wakas ang madilim at madugong yugto sa ating kasaysayan. Kasihan nawa tayong lahat ng Poong Kabunian.

***

SA darating na midterm elections dapat pagnilayan natin ang pipiliin sa hanay ng Mataas Na Kapulungan, dahil sa harap ng pag-angat ng “pogi-points” ng mababang Kaulungan, sila ang tinatawag ko ngayon na Matapang na Kapulungan. Ang Senado? Sila ang tinatagurian kong Mababaw na Kapulungan. Bakit kanyo?

Ang Mababang Kapulungan ang tumayo para sa kapakanan at ikasusulong ng batas na magpapabuti sa kapakanan ng ng mamamayan, sa pamamagitan ng katatapos na Quad Committe Hearings. Sila ngayon ang Matapang na Kapulungan. Samantala, pinakita ng Mataas na Kapulungan ang kababawan nila, ang pagka hipokrito nila. Resulta ito ng pagpili ng mga hindi karapat-dapat maluklok dito. Bagkus, pinangalanan sila para sa naging presidenteng serial-killer. Nais lamang nila palawigin ang kanilang kapit sa kapangyarihan, ng walang pakundangan, at walang interes na manilbihan kungdi sa pansarili lamang.

Maliban sa nag-iisang senador na may bayag, sa pagkatao ni Riza Hontiveros, lahat sila ay kasapi ng Mababaw na Kapulungan. Kung magpapatuloy ito, mamarapatin ko pa na buwagin ang Senado at palitan ng sistemang Unikameral, na kinakatawan ng mga kinatawan na binubuo ng Mababang Kapulungan. Natataon na na piliin na natin ang matino para maluklok sa Senado. Bago maging misulang suso ng toro sila. Walang silbi at palamuti lang.

***

Jok Taym

Mula ito sa malalim na baul ng isang nilalang na itatago lamang natin sa pangalang Maris Hidalgo:

Habang nakahiga sa mental hospital, kumakanta ang isang pasyente. Matapos kumanta humiga ito ng pabaligtad na nakaharap sa kutson at kumanta ulit.

NURSE: Bakit ka bumaligtad ng higa?…

PASYENTE: Side B na kasi…

***

mackoyv@gmail.com