Advertisers

Advertisers

Lalaki sangkot sa ‘bangga modus’ timbog

0 9

Advertisers

DINAKIP ng mga opera-tiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang lalaki na nagpanggap na “Persons with Disabilities” (PWD) at nagpabundol sa sasakyan noong Miyerkules sa lungsod.

Ayon kay Lt. Jason Santoceldes, hepe ng investigation section ng Masambong Police ng QCPD, naaktuhan nila ang lalaki matapos tangkain na muling manloko.

Nabatid na nabidyuhan at nag-viral sa social media ang kuha ng vlogger na si Hammerman sa pagpanggap ng lalaki na nabundol ng sasak-yan sa West Avenue sa Quezon City nitong Miyerkules.

Ayon sa post ni Hammerman, mabagal ang daloy ng trapiko at napansin niya ang lalaki na nagkunwaring paika-ikang tumatakbo papalapit sa sasakyan na kanyang bibiktimahin.

Paglapit sa sasakyan ay huminto ang lalaki kaya agad nag-preno ang driver pero biglang umupo ang lalaki saka isiniksik ang katawan niya sa ilalim ng bumper ng kotse.

Nadikubre ng vlogger na modus lang ng lalaki ang “aksidente”.

Dahil dito, nagsagawa ng pagmamanman ang mga pulis at nahuli sa akto ang ginagawang modus ng lalaki kaya agad itong inaresto.

Sinabi ni Santoceldes, nalaman nila na makailang ulit nang ginagawa ng lalaki ang nasabing modus na posibleng pinagkakakitaan nito.

Kinasuhan na ng’alarm and scandal’ ang lalaki na nakapiit ngayon sa Masambong Police.