Advertisers

Advertisers

Finance officer ng Bamban POGO hub timbog

0 19

Advertisers

NADAKIP ang finance officer ng sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban, Tarlac ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Bureau of Immigration (BI), at Armed Forces of the Philippines (AFP) habang kumakain sa isang restaurant sa Pasay City, Huwebes nang gabi.



Kinilala ni PAOCC executive director, Undersecretary Gilbert Cruz, ang nadakip na si Pan Meishu, 49 anyos, Chinese, finance officer ng Zun Yuan Technology sa Bamban.

Sinabi ni BI intelligence division chief Fortunato Manahan, Jr., dinakip si Pan, alyas “Hannah”, sa loob ng isang hotpot restaurant sa Pasay City.

Nakatakas si Pan nang salakayin ng PAOCC ang Zun Yuan Technology sa Baofu compound noong Marso.

Sinasabing may koneksiyon si Pan sa ilegal na POGO operations ng Zun Yuan Technology sa Bamban na dati nang ni-raid ng mga awtoridad dahil sa human trafficking.

Dalawang sasakyan na nasa pangalan ni Pan ang natagpuan sa nasabing villa.

Nahaharap ito sa kasong ‘Qualified human trafficking’ at paglabag sa Philippine Immigration Laws.

Bahagi ang Zun Yuan Technology, dating Hongsheng Gaming Technology Inc., ng mga pagsisiyasat na may kaugnayan kay dating Bamban mayor Alice Leal Guo.