Advertisers

Advertisers

Chi Atienza, susunod na Manila Vice Mayor!

0 26

Advertisers

OPO mga masugid kong tagasubaybay, si Angela Lei Ilagan Atienza-Valdepeñas ang isinisigaw ng mamamayang Manilenyo na susunod na Manila Vice Mayor o simpleng si Chi, Yorme Isko’s Choice.

Siya lang naman ay broadcast journalist at host ng programang “Rise and Shine Pilipinas,” at TV producer at content producer!

Kahit abala sa maraming gawain, nagagawa pa rin ni Yorme’s Choice na gampanan ang responsibildad niya sa kanyang tatlong anak, at ayon sa mga nakatikim ng putaheng niluluto ni Ate Chi, wow, pwede na siyang isabak sa cooking show, kasi delizioso, masiram, yummy at oishi!



Teka, siya nga pala ay anak ni dating Manila Mayor at dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Lito Atienza, kaya ‘wag magtaka, nasa lahi, nasa dugo at nasa mukha (beauty talaga) na magiging magaling na presiding officer ng Manila City Council si Chi Atienza.

Youngest child siya at maagang na-expose sa public service sa tuwing sumasama kay Daddy Lito sa pagtupad nito noon bilang Ama ng Maynila.

‘Wag isipin na spoiled si Chi, kasi bunso siya, sabi niya sa isang interview, siya ang errand child ng kanyang mommy sa munti nitong negosyo, aniya, “Habang nagpa-party ang mga classmates ko, bugbog ako working and studying.”

Sumabak agad siya sa negosyo, pagka-graduate sa kolehiyo, sila ng mga ate niya, itinayo nila ang isang retail fashion business at hayun, lakad doon, lakad kung saan-saang publication para makakuha ng ads at, dahil sanay sa pakikiharap sa mga tao, umunlad ang munting negosyo nila.

Pero, paano susuwayin ang tibok ng puso, iniwan niya ang lahat upang magsumikap na magbuo ng isang pamilya, sa piling ng maginoong mister niya.



Prioridad na niya si Mr. Valdepenas at ang kanilang tatlong anak at isinakripisyo ang kung anomang sariling pangarap.

Pero ang engganyo ng kinang ng magkaroon ng sariling kinang sa business, hindi kumawala kay Chi, at nang hindi matuloy ang pagpunta sa ibang bansa ng kanyang mister upang magpakadalubhasa sa pag-aaral, ang hikayat ng magkaroon ng sariling lugar sa broadcast at publication business ay muling nagsimula.

Kaya, busy na maman siya sa pamilya, pagtatrabaho sa television, at iba pang pagkaabalahan na may kaugnayan sa pakikipagkapwa tao.

Patuloy sa pagyabong ng buhay-pamilya ni Chi, masinop na nagagampanan ang papel niya bilang nanay, misis at negosyante, pero, sa isang interbyu, nabanggit niya, kahit masaya siya, parang may kulang at hindi niya masabi kung ano iyon.

Inusisa niya ang sarili, ano ang kulang?

At naaalaala niya si Daddy Mayor Lito, at ang kasiyahan nito sa tuwing nakapaglilingkod sa Manilenyo at sa kabila ng pagod at intriga ng politika, masaya ito sa paglilingkod sa mamamayan.

Ito ba ang kulang, naitanong ni Chi sa sarili at ang sagot, nais niya maging tulad ng Daddy Mayor Lito Atienza.
***
Handa na nga siya sa public service, kasi kumbaga, hinog na, may kakayahang nasubok na paglilinkod sa kapwa.

Eto ang ilan sa mga katangian niya:

Board Member of Home for the Angels, a shelter for unwanted babies; Journalist – Public eye – a public service program; Missionary – Friends of Divine Mercy community; Board Member- Hiyas ng Pilipinas at Board Member of Goodwill Philippines

Aktibong kasapi ng Buhay Partylist si Chi, at nangongolekta lang naman (naks, ha!) ng awards ang next Manila Vice Mayor.

Eto pa ang ilan: People of the Year awardee sa kontribusyon sa MYRC/RAC; Leadership award at Empowered Woman awardee-Rising Tiger; Empowered woman “Babae Ka”, Gawad Pilipinas awards.

Noong vice mayor at mayor at Buhay Partylist representative si Daddy Lito, madalas si Chi ang gumaganap ng trabaho sa mga gawaing di mapuntahan ng kanyang ama, lalo kung may iba pang mahalagang gawain sa bayan.

Siya ay naging boses ng kabataan, at lumusong si Chi sa mabibigat na gawaing tumulong sa RAC/MYRC, a rehabilitation center for juvenile delinquents.

Naging tagapagmulat sa isip ng mga kabataang naliligaw ng landas si Chi, at gayon na lamang ang katuwaan sa puso niya, kapag nagagawa niyang mapalakad sa matuwid na daan ang mga kabataang Manilenyo.

Edukasyon — graduate siya, Political Science major in Governance sa DeLaSalle university habang nagtatrabaho sa ABS CBN.

People of the Year awardee siya noong 2020 sa masikap na pagtulong sa mga kabataan.

Pinangasiwaan niya ang Kababaihan ng Maynila — isang 40-taong samahan na itinayo ng mga magulang niya na tumutulong sa mga magulang at mahihirap na pamilya na magkaroon ng maayos na hanapbuhay.

Aktibo rin siya sa paglilingkod sa kapakanan ng senior citizens at PWDs sa samahang Goodwill Philippines.

Aktibong kasapi siya ng Home for the Angels, isang bahay kupkupan ng mga inabandonang sanggol at bata na itinayo ng kanyang mga magulang, 30 taon na.

At marami pang kilos sa pag-aaruga sa mamamayan at kapus-palad ang nakasanayang gawain ni Chi, at ito ang mga katangiang nakita ni Yorme Isko kaya pinili siyang maging Nanay ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila.

Ang maging lingkod-mamamayan ang nakita ni Chi na kulang sa sarili na matagal niyang hinanap, kaya nang ialok ni Yorme na maging vice mayor, hindi na siya nagdalawang isip pa.

May basbas ng kanyang Daddy Mayor Lito, at sa hiyaw ng Manilenyo na maibalik ang matinong pamamalakad sa cityhall, sino raw siya para tumanggi sa pagliligkod sa bayan.

O, mga Manilenyo, alam na nyo kung sino ang pipiliin nyong bise-alkalde ni Yorme Isko.

Si Chi, da best mommy, matalinong lingkod ng Maynila at anak ng mahusay na Mayor Lito Atienza.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.