Advertisers

Advertisers

Atong Ang ngayon langumamin na may karelasyong taga-showbiz

0 119

Advertisers

Ni Jimi Escala

MASASABI namin na isa kami sa malalapit at itinuturing na kaibigan ng aktres na si Sunshine Cruz.

Way back “Thats Entertainment “ days kung saan unang exposure ni Sunshine sa showbiz world ay malapit na kami sa isa’t ng mahal naming aktres.



Nang ikinasal si Sunshine kay Cesar Montano ay isa kmi sa special na invited guest ni Sunshine sa Coconut Palace.

Hindi rin namin makakalimutan ang mga naramdaman noon ni Sunshine at halos araw araw niyang pag iyak nang hiniwalayan na niya ang asawang si Cesar.

Tungkol naman sa pinag uusapang isyu ni Sunshine at milyonaryong negosyanteng si Atong Ang ay tahimik lang si Shine at ayaw niyang magbigay ng kahit anumang komento.

Walang pag amin at wala rin namang pagtanggi, huh!

Basta ang importante, masaya ang takbo ng lovelife ngayon ng premyadong aktres.



At 47, napalaki niyang maayos ang tatlong dalaga anak na malapit na rin makatapos ng pag aaral.

Oozing with sex appeal pa rin ang isang Sunshine Cruz kaya kasalanan ba niyang marami pa ring umaaligid sa kanya, huh!

After ng hiwalayan nila ng natulungan din naman ni Sunshine para manalong kunsehal sa San Juan na si Macky Mathay ay naging “single” na muli ang aktres, huh!

Kaya kung totoo mang sila na nga ni Atong, wala naman sigurong masama, huh!

Matagal na rin namang hiwalay ang negosyante at sa totoo lang wala pang inamin si Atong na karelasyon niya ngayon di ba?

***

HETO na nga, lalong pag uusapan ngayon si Sunshine at hindi maiiwasang kainggitan na naman siya, huh!

Sobrang haba ng hair ng aktres dahil sa pag-amin ng businessman na si Atong Ang sa relasyon nila, huh!

Yes, talk of the town ngayon ang isang Sunshine Cruz dahil kinumpirma na raw mismo ng negosyanteng si Atong Ang sa Bilyonaryo News Channel na as in karelasyon daw niya ngayon si Sunshine, huh!

Kumbaga, in a relationship daw ngayon si Atong sa isang Sunshine Cruz, huh!

Hindi namin napanood pero mismong si ‘Agenda’ host Pinky Webb ang nagbalita hinggil nito last December 17 , huh!

Kumbaga, pinatotohanan na raw ni Atong Ang na sila na nga ni Sunshjne at matagal na silang hiwalay ni Gretchen Barretto, huh!

Well, magkaganunman at kung totoo ngang inamin na ni Atong Ang ay wala pa rin daw balak si Sunshine na magsalita hinggil dito!

Pero sa totoo lang, isa kami sa natutuwa sa ginawang pag amin ni Atong at happy kami para sa kaibigan naming si Sunshine, huh!

At least, sa tagal na naging popular ang pangalang Atong Ang ay ngayon lang niya kinumpirma ang karelasyon niyang taga showbiz, huh!