Advertisers
Umapela ang isang mataas na opisyal ng gobyerno sa Zamboanga del Norte sa Sangguniang Panlalawigan na aprubahan na ang supplental budget upang maibigay na ang suweldo ng mga contractual at job order employees.
Sa isang pahayag, sinabi Zamboanga del Norte Gov. Rosalina ‘Nanay Nene’ Jalosjos na aksyunan na ang kanyang kahilingan na pondo dahil matagal na niyang ipinadala sa Provincial Board ang panukalang supplemental budget
Mula kasi noong Oktubre hanggang ngayong buwan ng Disyembre ay hindi pa nakaka sweldo ang mga contract of service at job order employees dahil sa kawalan ng sapat na pondo.
Nangangamba si Gov. Jalosjos na posibleng maapektuhan ang manpower operation ng lahat ng ahensya ng Provincial Government kung hindi mapapasweldo ang mga empleyado.
Kabilang sa maaaring maapektuhan ay ang operasyon ng Provincial Hospital at mga District hospital, at iba pang mga pagawaing bayan.
Ikinalungkot ng gobernadora na ang mga hardworking individuals na ibinigay ang kanilang serbisyo ay napapag-iwanan ng walang kompensasyon para sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre.