Advertisers

Advertisers

Prince Ham B2B Champ!

0 9

Advertisers

Dalawang personalidad sa NBA ang nakadalawang sunod na tagumpay sa Emirates NBA Cup

Sila sina Coach Darvin Ham at forwardTaurean Prince na kapwa back to back champions ng In-Season Tournament.

Noong 2023 kasi kabilang sila sa LA Lakers na unang kampeon ng maikling torneo sa loob ng 82-game ng pinakasikat na liga na basketball sa buong mundo.



Bagama’t assistant na lang ng HC si Darvin at mas kumonti minuto ni Taurean ay bale wala pa rin silang talo sa loob ng 14 na laro.

Napatalsik nga si Ham sa puwesto at hindi naman na-extend kontrata ni Prince ay sinuwerte naman sila sa nilipatang koponan na Milwaukee.

***

Gaano ba ang halaga ng $514, 971 na premyo ng Bucks sa tagumpay nila sa NBA Cup.

Kay Finals MVP Giannis Antetokounmpo ay pwede maliit na pera lang pero para sa mga rookie at two-way player nila ay malaki na ito.



Aba’y mahigit pa yan ng $100k para makabili ka na ng isang modest home sa Estados Unidos.

Sa Pinas makakabili ka na ng mansyon ng kanilang gantimpala.

***

Ayon sa mga La Sallista ay mas malakas ang team nila sa isang taon.

Oo kahit pa raw sa South Korea na maglaro si 2x MVP Kevin Quiambao.

Makakasama na kasi ni Mike Philipps sina Mason Amos na galing sa karibal na Ateneo, Jacob Cortez mula sa San Beda , Kean Baclaan ng NU at Luis Pablo ng UP.

Matindi ang mga bagong recruit ni Coach Topex Robinson na mga hinog na para sa UAAP.

Para kay Ka Berong ay parang si Alvin Patrimonio sa husay at karisma itong si Kevin Quiambao. Kita niya raw na malayo mararating ng King Archer sa pro rank at sa Gilas.