Advertisers
Ni Favatinni San
TAUNANG Pista ng pelikulang Pilipino, may excitement pa ba sa mga kababayan natin?
Ow sabik lang makita ang mga artista kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival lalo na’t daaraan sa mga lugar sa Maynila.
Sure, ang daraanan ng parada ay mag-uunahang aagaw sa give-aways sa mga artista sa karosa. Sino ang paboloso sa paghahagis ng t-shirt, calendars, caps, candies o chitchira. Naku, unang una si Sylvia Sanchez, producer Ng Topakk. Very hands on sa pagtutok sa promotion at marketing ng nasabing pelikula. Tampok sina Cong. Arjo Atayde at Julia Montes.
Ang float ng Kingdom ay tampok sina Piolo Pascual at Bossing Vic Sotto. Marami ang masisiyahan kung maraming ihahagis na souvenir items ang dalawang bida. Si Meme Vice Ganda kasama sina Eugene Domingo, Maris Racal at gay comedians sa The Breadwinner is…may regalong panghagis sila sa daraanan ng parada.
Teka, magpapatalbog ba sina Aga Muhlach, Nadine Lustre at Vilma Santos para sa Uninvited? Sure, di magkukuripot si Vilma at mga kasamang artista.
Ruru Madrid at Dennis Trillo para sa Green Bones. Maraming items para sa lahat at pwede ba huwag puro ngiti, huh.
Espantaho, mayaman ang producer nina Judy Ann Santos, Lorna Tolentino at di raw magpapatalbog pag panghagis na calendar, pamaypay at T-shirt.
Himala, Isang Musical tampok na bida si Aicelle Santos at marami pang kasama. Isang tribute kay National Artist Nora Aunor ay magbibigay ng items siyempre kaya abangan ninyo. Oppps, yung iba di ko ma-recall censya na dahil generous(?) ang produ at di naman ako imbitado sa presscon (wacharrr).
Naku, paalala sa Disyembre 21 2pm umpisa na ng parada sa taunang MMFF.
***
2025 Year
of the Snake
NAGBABADYANG ahasan. Hindi pa tapos ang 2024 ay inahas ni Anthony Jennings si Maris Racal. Kaya matindi ang paghihiganti ni Jam Villanueva.
May possible bang maghiwalay sina Janine Gutierrez at Jericho Rosales? Pag-iibigan nina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Hindi nagpahuli sina Dominic Roque at Sue Ramirez. Aahasin ba ng ibang aktor si Kim Chiu kay Paolo Avelino?
Forever happiness ba sina Coco Martin at Julia Montes? Magandang abangan.