Advertisers
TUNAY na pinaka- workaholic National Sports Association president si Len Escollante ng Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation (PCKDF).
Walang puknat ang aktibidad ng kanyang NSA whole year round magmula sa personal niyang kalinga sa mga atleta mula training hanggang aktwal na kumpetisyon,pag-organisa ng lokal na kampeonato,hosting ng international championships,pag-tayo ng mga training facilities nationwide,pakikipag- ugnayan sa mga international counterparts at ang pagtuklas ng mga young potential paddlers na makapaghahandog ng karangalan sa bansa.
Ang bagòng halal( topnotcher) na Board Director ng Philippine Olympic Committee( POC) sa liderato ni Pres. Bambol Tolentino ay walang kapaguran basta ang kapakanan ng PCKDF at para sa bayan ang mapagsisilbihan ay ayos lang kay coach( nakasanayang tawag sa kanya mula pa noong kanyang volleýball days hanggang sa pagsagwan ng kanya liderato sa dragonboat at PCKDF in particular.
Ang kanyang pinakamalaking resibo sa taong ito ay ang matagumpay na ICF World Dragonboat Championship sa Puerto Princesa City, Palawan na hinangaan ng buong mundo sa pagtutulungan ng host Puerto Princesa City government sa pamumuno ni city mayor Lucilo Bayron,corporate sponsors mula sa lungsod, Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.
Pormal nang nagagamit ng mga canoe rowers ang ginawad na venue sa baybayin ng Puerto Princesa na magsisilbing ensayuhan ng ating mga pambansang canoers at kayakers na ipinagpapasalamat nan malaki ni President Len kay Mayor Bayron habang patuloy naman ang ating mga dragonboat paddlers sa kanilang training sa Tacloban at Taytay sa Metro Manila.
Bago magtàpos ang taon ay ilalabas na ng PCKDF ang mga nakakalendaryong lokal at international events nito na potensyal gold hauler para sa Pilipinas.
No dull moment kay workaholic Pres. Len… Escollante Excellente!