Advertisers

Advertisers

Kapalaran ni Digong ipinauubaya na ni PBBM sa DOJ

0 13

Advertisers

NILINAW ni Pangulong “Bongbong” Marcos na Department of Justice (DOJ) na ang siyang mag-a-assess sa rekomendasyon ng House Quad Committee na magsampa ng kasong ‘Crimes Against Humanity’ laban kay dating Pangulo Rodrigo “Digong” Duterte.

Sa isang ambush interview, sinabi ni PBBM na ang pagbibigay ng rekomendasyon ay bahagi ng oversight hearing ng mga mambabatas, base sa kanilang mga natuklasan.

Aniya, ang DOJ naman ang inaasahang magsusuri kung anong mga kaso ang maaaring isampa at magtutuloy sa case build-up sa pa-mamagitan ng pangangalap ng sapat na ebidensya.



Dagdag pa ng Pangulo, ang DOJ din ang magsisiguro kung ang direksyon ng rekomendasyon ng komite ng Kamara ay naaayon sa tamang proseso at batayan.

Bukod kay dating Pangulong Duterte, kasama sa mga pinasasampahan ng kaso sina dating PNP Chief ngayo’y Senador “Bato” dela Rosa, Senador Bong Go, at iba pang dating opisyal ng PNP na nag-ugat sa umano’y extrajudicial killings na naganap sa panahon ng nakaraang administrasyon. (Gilbert Perdez)