Advertisers

Advertisers

Judge sa Biliran sinibak ng SC

0 23

Advertisers

SINIBAK ng Supreme Court (SC) bilang presiding judge ng Biliran-Cabucgayan Municipal Circuit Trial Court ang isang hukom na sangkot sa iligal na procurement ng medical supplies sa lungsod ng Maynila noong 2016.

Napag-alaman ng Korte na pinangasiwaan ni Judge Ateneones Bacale at ng kanyang asawa na noo’y executive secretary ni dating Mayor Joseph Estrada ang procurement ng medical supplies sa isang pharmaceutical supplier ng hindi dumadaan sa kinakailangang bidding process.

Kumita si Bacale at ang kanyang asawa ng P20 million bago pa napagtanto ng supplier na niloloko na siya ng mag-asawa nang hindi umusad ang proyekto.



Ayon sa Korte, nilabag ni Bacale ang pinakamataas na pamantayan sa asal ng mga hukom na nagbukas ng katanungan sa kanyang integridad bilang hukom.

Inamin din nito na nagsilbi siyang “bagman” ng kanyang asawang ilegal na iniimpluwensiyahan ang bidding para sa medical supplies.



Hinatulan ng Korte ng ‘guilty’ si Bacale sa kasong ‘gross misconduct’ at agad na sinibak sa kanyang pwesto.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">