Advertisers
Kinilala ng lokal na pamahalaang Valenzuela ang Malinta Elementary School at sa Punong-guro (Principal) nito na si Dr. Lilibeth Gozo, SP IV, bilang Outstanding School Principal sa National Capital Region (NCR) sa idinaos na 2024 Gawad Primero awards sa Selah Pods Hotel, Pasay City.
Pagpapatunay ang Pagkilala ng kanyang hindi matatawarang pamumuno at pagpapakita ng tagumpay na alay para sa kapakanan ng mga mag- aaral at ng buong komunidad.
Bilang bahagi ng selection process, nagpamalas ang mga kalahok ng kanilang mga audio-visual presentation at lumahok sa mga panayam na lalong nagpalutang sa galing ng mga Tagapagturo.
Isang prestihiyosong parangal ang Gawad Primero na ibinibigay ng Department of Education (DepEd) para sa natatanging tagapagturo na nagbibigay ng remarkable performance, notable accomplishments, at innovations sa kanilang larangan at pinili base sa kanilang naiibang kontribusyon sa sektor ng edukasyon.
Ang parangal kay Dr. Gozo bilang Outstanding School Principal, hindi lamang parangal sa Malinta Elementary School kung hindi karangalan din para sa buong Valenzuela City.(Beth Samson)