Advertisers

Advertisers

Sa latest SWS survey… ISKO LANDSLIDE SA MAYNILA

0 27

Advertisers

SIGURADO na ang pagbabalik sa Lungsod ng Maynila ni dating alkalde Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos niyang tambakan o ungusan nang malaking porsiyento sa pinakapinaniniwalaang survey ng Social Weather Station ang kanyang mga katunggali sa 2025 mayoralty race sa lungsod.

Batay sa “Electorial Preferences and Voting Attitudes in the City of Manila” ng SWS simula Oktubre 27 hanggang 31, 2024, halos landslide ang kalamangan ni Isko kumpara sa mga kalaban niyang sina Maria Sheilah Honrado Lacuna-Pangan at Samuel Salonga Verzosa, Jr.

Sa kabuuan ng naturang survey, nagkamit si Domagoso ng 70% habang 17% si Samuel Salonga Verzosa, Jr.; 11% naman kay Maria Sheilah Honrado Lacuna-Pangan at 3% ang undecided.



Sa 1st district, nakakuha si Domagoso ng 82%; 12% si Verzosa; 5% si Lacuna-Pangan at 1% ang undecided.

Tinambakan din ni Isko, kilala ri sa tawag na Yorme, sa ikalawang distrito sa nakuhang 76% boto ang mga kalabang sina Verzosa (13%) at Lacuna-Pangan (10%). May 2% undecided.

Sa ikatlong distrito, nakakuha si Domagoso ng 61%; si Verzosa ay 18% habang 17% si Lacuna-Pangan, 17%.

May 51% ng mga respondent ang bumoto pabor kay Yorme, 31% kay Verzosa; 13% kay Lacuna-Pangan; at 4 ang undecided sa ika-4 na Distrito.

Malaki rin ang kalamangan ni Domagoso sa mga kalaban sa ika-5 distrito sa botong 71% laban kina Verzosa, 17%; Lacuna-Pangan, 10% at 3 ang undecided.



Nakapuntos din sa ika-6 distrito si Domagoso ng 70% habang 11% si Verzosa, 14% si Lacuna-Pangan at 5 ang undecided.

Patunay ang naturang last quarter 2024 survey ng SWS na mainit at malakas ang suporta ng Manilenyo sa muling pagtakbo ni Yorme sa Maynila. Ka-tandem ni Isko si Chi Atienza na malakas din ang tsansang magwagi bilang kanyang bise-alkalde.

Hindi lang sa mga survey, maging sa Facebook Page ni Yorme ay bumubuhos ang suportang natatanggap niya sa pagbabalik-aklade ng Maynila.

“Ibang-iba kasi talaga ang pamamalakad ni Yorme,” ayon sa FB post ng isa niyang tagasuporta.

“Congrats po Yorme. Sana manalo ka kasi bumalik na naman ang sobrang trapik sa Divisoria dahil pinayagan na namang magtinda sa Recto Avenue. Sobrang trapik na naman, buhay na naman ang mga snatcher,” ayon naman kay Mj Walker.

“Yorme sa inyo lang namin nakita ang pagbabago! #IskoChi2025 dito sa amin sa San Andres lagi ko naririnig Isko Moreno Domagoso pa rin talaga, hinihintay namin ang pagbabalik mo Yorme,” ayon naman kay Rei Rei.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Isko sa mga lolo’t lola, nanay, tatay at mga Batang Maynila sa patuloy na pagtangkilik sa kanilang grupo na Isko-Chi (Yorme’s Choice) at sa maiinit na pagtanggap sa pag-ikot nila sa bawat sulok ng siyudad.

“Umasa po kayo na ngayong Bagong Taon, sa tulong ninyo at tulong ng Diyos, muli nating ibabalik ang masigla, malinis, at mapanatag na pamumuhay sa Lungsod ng Maynila ngayong 2025,” ang pangako ni Isko.