Advertisers

Advertisers

MISYON: GIBAIN ANG QUADCOMM

0 86

Advertisers

GUSTO namin makita na muling mahalal ang ilang kinatawan sa Camara de Representante. Gusto namin bumalik sa Camara sa 2025 sina Jinky Luistro ng Batangas, Joel Chua at Rolando Valeriano ng Maynila, Jay Khonghun ng Zambales, Jay-Jay Suarez ng Quezon, Paolo Ortega ng LaUnion, at Famy Zamora ng Taguig City.

Matutuwa kami kapag bumalik bilang kinatawan ng kanilang party list group sa 2025 sina Jude Acidre ng Tingog Party List, Raoul Manuel ng Kabataan Party List, at kahit si Caraps Paduano ng Abang Lingkod Party List. Mahuhusay silang mambabatas Hindi matatawaran ang kanilang kakayahan at integridad sa trabaho sa Camara.

***



HINDI kami agad naniwala ng kumalat ang balita na may inilaang slush fund ang pinagsamang pangkat ng sindikatong kriminal ng Davao City, POGO operator, at mga Pulahang Intsik upang gibain ang kredibilidad ng QuadComm, ang superbody ng Camara de Representante na kasalukuyang pagsisiyasat sa war on drugs ni Gongdi, ang mga POGO, at paglabag sa karapatang pantao ng mga Filipino.

Hanggang isang araw, laking mangha namin ang pagdagsa ng mga troll na ang layunin ay mang-inis sa aming wall. Isa-isa ko silang inalis at isinaialim sa block. Hindi na sila makakapasok sa aking wall sa aking account sa social media. Napansin ko na may isang malaking operasyon ang mga kontrabida ng bansa upang gibain ang QuadComm.

Naniniwala kami sa QuadComm. Seryoso ang superbody upang ilantad ang katotohanan hinggil sa war on drugs in Gongdi, POGO, at iba pang isyu na kasalukuyang inimbestigahan. Naniwala kami sa sinabi ng isang kaibigang komentarista na maihahambing ang pagsisiyasat ng QuadComm sa Nuremberg Trials ng 1946 kung saan isinailalim sa paglilitis ang mga lider ng Nazi Germany tungkol sa kanilang pagkakasangkot sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig..

***

NAGPUPUTAK si Migz Zubiri dahil napirmahan niya ang Bicameral Report sa pambansang budget para sa 2025 nang hindi nababasa ang ulat lalo na iyong probisyon na nagkakaltas ng P10-B sa budget ng Deped. Parang putang hindi binayaran ng kanyang katalik si Migz nang nagtatalak dahil hindi niya alam ang kinaltas sa budget ng Deped.



Wala siyang dapat sisihin kundi ang sarili sa nangyari Walang kultura si Migz na nagbabasa ng mga dokumento na kanyang nilagdaan. Mahirap sa kanya ang magbasa dahil hindi ayon sa kanyang asal bilang lingkod bayan ang pagbabasa. Wala iyon sa bokabularyo ni Migz. Mabigat na gawain para sa kanyang limitadong pag-iisip.

***

SA WAKAS, nakulong rin si P/Col. Hector Grijaldo ng QuadComm dahil sa hindi niya pagsipot ng apat na beses sa public hearing ng QuadComm. Inamin ng mga doktor ng AFP na maaaring dumalo si Grijaldo sa pagdinig ng QuadComm, ngunit sa hindi malaman na dahilan, hindi nangahas dumalo sa Grijaldo. Idineklara si Grijaldo na “in contempt” dahil hindi niya pagdalo sa QuadComm public hearing.

Isasailalim ng detention ng Camara si Grijaldo ng hindi lalampas sa sampung araw. Maalaala na si Grijaldo ang nag-akusa kay Kin. Dan Fernandez ng San Pedro City na pinilit umano siya na idiin ang mga pinaghihinalaang pulis na sangkot sa giyera kontra droga ni Gongdi. Itinanggi ito ni Fernandez at kahit si Kin. Benny Abante. May saksing abugado si Fernandez at Abante at nais sana nila konprontahin si Grijaldo. Duwag si Grijaldo at iniwasan si Fernandez.

Ginawa ni Grijaldo ang pagbibintang sa tanging imbestigasyon ng Senado sa isyu. Panauhin ng Senado si Gongdi at nagmukhang mga alila ni Gongdi ang mga senador. Pinagtatawanan sa kasalukuyan ang mga senador dahil sa kakulangan ng tapang at tikas. Nagmukha silang mga patapon at pipitsugin mambabatas. May panawagan na tunawin na ang Senado.

***

TAHASAN sinabi namin na hindi dapat nakikipagbungangaan si Antipolo City Kin. Romy Acop kay Bato dela Rosa. Hindi normal na nilikha si Bato; wala siyang katwiran at mas lalong wala siyang lohika. Si Bato ay alila ni Gongdi at hindi siya nalalayo kay Gong Go. Sila ang dalawang matapat na aso ni Gongdi sa Senado. Hindi sila nakakasiguro ng reeleksyon sa 2025.

Mas maraming dapat bigyan ng pansin si Acop. Sa mga usapin na karapat-dapat bigyan ng panahon ni Acop. Huwag si Bato. Mahina ang ulo ni Bato at hindi dapat patulan ni Acop ang bobo at mahina at mahina ang ulo. Walang kwenta si Bato. Sayang ang panahon.

***

MGA PILING SALITA: “Pilit nagbabangong puri ni Wilkins Villanueva. Kung singhalan kasi siya ng mambabatas. Bistado siyang bata ni Michael Yang. Duwag.” – PL, netizen, kritiko

“A court’s award of millions in damages to Atom Araullo in his case against red-tagger Loraine Badoy and Jeffrey Celiz serves as another legal landmark in the fight against malicious and vicious red-tagging. Kailangan talagang managot nang mga katulad ni Badoy at Celiz na walang pakundangan kung magturo at gawing target ng paninira at karahasan ang kahit sino. Dapat lang na mabigyan ng hustisya ang kanilang mga biktima.” – Leila de Lima, netizen, dating senador

“I remember with much bewilderment, Bato dela Rosa’s challenge to meet him in a duel. Bato did not name the guys whom he was challenging. It was issued to some unnamed “druglords.” There was no proper name, only a common noun. Neither did Bato throw a gauntlet in front of the guy whom he was challenging. In the olden times, the tradition was that the challenger threw a pair of gauntlets in front of the challenge. Then, he issued the time and place of the duel. He named the weapon he wished to use – pistol, sword, or whatever. Bato did not do that. Conclusion: Bato’s challenge was a phantom challenge. He was not a man of honor issuing a challenge of a duel, which was usually done by men of character or nobility. He was just a criminal in a comic spiel. His challenge for a duel was good only for a show. Palabas lang. I wrote this piece in 2016, when Gongdi’s war on drugs was in full swing.” – PL, netizen, kritiko