Advertisers

Advertisers

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes sa seniors ng Maynila

0 18

Advertisers

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo Nieto at ang buong Asenso Manileño team sa senior citizens ng Maynila.

Ang activity ay nataon naman na kasabay ng payout senior citizens’ allowances para sa buwan ng September hanggang December 2024.

Nabatid sa tanggapan ni Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) chief Elinor Jacinto na ang lungsod ay kasalukuyang may 191,144 seniors citizens at bawat isa ito ay tatanggap ng P2,000.



Ang halaga ay kumakatawan sa P500 buwanang allowance na bahagi ng special amelioration program (SAP) na ipinasa ng Manila City Council nang sib Lacuna pa ang Presiding Officer.

Maliban sa senior citizens, ang mga beneficiaries ng nasabing programa at tumatanggap din ng monthly allowance ay ang mga persons with disability, solo parents at mag-aaral mula sa dalawang city-run universities na kinabibilangan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at ng Universidad de Manila.

Kasabay rin nito sa Maynila, nagbigay din ng tulong pinansyal sina Lacuna at Servo sa may kabuuang 244 residente na nagpapagamot sa sakit na cancer at nagda-dialysis.

Ang mga pasyente ay personal na hinarap at binigyan nina Lacuna at Servo ng tulong sa at “People’s Day” na regular na ginagawa sa Bulwagang Villegas, Manila City Hall.

Ang nasabing programa ay regular na inisyatibo ng administrasyon ni Lacuna na kumikilala ng mga pangangailangan ng mga residente na nagdurusa sa cancer at sakit sa kidney.



“Nais po ng pamahalaang lungsod na sa pamamagitan ng ganitong simpleng paraan ay makapagbigay kahit paano ng tulong para sa inyong pagpapagamot,” saad ni Lacuna. (ANDI GARCIA)