Advertisers

Advertisers

Malaman at makabuluhang mensahe ipinaabot ni OFW Party List Rep. Magsino sa pagbabalik bansa ni Mary Jane Veloso!

0 6

Advertisers

Isang malaman at makabuluhang mensahe ang ibinaabot ni OFW Part List Representative Marissa Del Mar Magsino sa muling pagbabalik sa bansa ni Mary Jane Veloso na makakapiling na ang kanyang pamilya sa darating na Kapaskuhan.

Ito ang nilalaman ng maiksing mensahe ni Rep. Magsino, Sa wakas, makakauwi na si Mary Jane Veloso sa kanyang pamilya matapos ang mahabang taon ng pagdurusa at paghihintay.

Ang kanyang pag-uwi ay simbolo ng pag-asa, pagmamahal, at pagkakaisa mga diwa ng Pasko na nagbibigay liwanag sa bawat Pilipino.



Salamat sa lahat ng nagpakita ng malasakit at tumulong upang maisakatuparan ang pagbabalik ni Mary Jane, mula sa gobyerno, kay Pangulong Marcos, mga organisasyon, at sa lahat ng Pilipinong hindi bumitaw sa laban na ito.

Bilang kinatawan ng OFW Party List, patuloy kaming maninindigan para sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.

Ang kuwento ni Mary Jane ay paalala na marami pa sa ating mga kababayan ang nangangailangan ng kalinga at proteksyon laban sa pang-aabuso at kawalan ng hustisya. Sa panahong ito ng Pasko, nawa’y magbigay inspirasyon ang tagumpay na ito upang higit pang palakasin ang ating pagkakaisa at pagtutulungan.

Welcome home, Mary Jane. Sa pagbabalik mo ngayong Kapaskuhan, dalangin namin ang paghilom ng iyong sugatang puso at ang muling pagsasama-sama ng inyong pamilya. Nawa’y magsilbing paalala ang iyong kuwento na sa gitna ng hamon, laging mananaig ang pag-asa at pagmamahal ng bawat Pilipino. (Cesar Barquilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">