Advertisers

Advertisers

LOYALTY CHECK SA AFP

0 14

Advertisers

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nananatiling stable ang Pilipinas sa kabila ng mga ingay.

Sa panayam kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang,inihayag nito na maayos pa ring gumagana ang pamahalaan.

Nilinaw naman ng Pangulong Marcos na walang nangyayaring loyalty check sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines (AFP).



Sinabi ng Pangulo sa media lamang niya naririnig ang loyalty check.

Aniya wala siyang isinasagawang loyalty check sa mga sundalo at pulisya.

Kasunod nito ay umugong din ang mga usapin ng posibleng kudeta matapos hikayatin ni dating Pangulong Duterte ang militar na gumawa ng aksyon laban sa umano’y fractured o wasak na gobyerno, kaakibat ng pagkikilos-protesta sa EDSA ng mga taga-suporta ng mga Duterte.

Samantala,maugong ang destabilisasyon sa hanay ng militar makaraang maglabas ng manifesto ang mga retirado at aktibong graduates ng Philippine Military Academy (PMA) partikular na ang mga miyembro ng PMA Class 82,83 at 86 laban sa umano’y talamak na korapsiyon sa pamahalaan at ang tila malawakang pag- abuso sa tungkulin ng mayorya sa mga miyembro ng Kongreso na pinamumunuan ni Speaker Martin Romualdez,pinsan ng Pangulong Marcos Jr.

Hinihiling din ng ilang retiradong heneral ang pagbibitiw ni Romualdez bilang Speaker of the House of Representatives.



Matindi ang sitwasyon ngayon makaraang PUMALAG ang karamihan sa mga senador sa ipinasang budget ng BICAM na nagtutulak ng 2025 Php 6.3 trillion national budget.

Ayon sa ilang finance experts,ito na ang pinaka- corrupt na annual budget sa kasaysayan ng bansa na iniendorso ng Bicameral committee ng Kongreso at Senado.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com