Advertisers

Advertisers

Ledesma mag-resign ka na!

0 19

Advertisers

BAKIT hindi pa sipain ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. si Philhealth President Emmanuel Ledesma, Jr.?

And for delicadeza…dapat magbitiw na sa puwesto si Ledesma. Mismo!

Sa dami ng kalokohang nadiskubre sa House inquiry about sa taunang pondo ng PhilHealth, wala nang rason para manatili pa sa puwesto si Ledesma.



Oo! Hindi na dapat pang hintayin ni Ledesma na sipain siya ni PBBM, magkusa nalang siyang umalis… baka bumilib pa sa kanya ang publiko.

In fairness, hindi naman maaring isisi lahat kay Ledesma ang mga nadiskubreng katiwalian sa PhilHealth dahil Agosto 15, 2024 lang siya itinalaga sa puwesto ni PBBM. Ibig sabihin wala pa siyang limang buwan sa puwesto.

Ang higit na dapat papanagutin sa mga nadiskubreng katiwalian sa PhilHealth ay ang mga sinundan ni Ledesma, mula kay Celestina Jude Dela Cerna (inalis noong 2018 dahil sa “katiwalian”), Roy Ferrer, ret. military General Ricardo Morales (nagbitiw August 2021 dahil sa nadiskubreng katiwalian), ex-NBI chief Dante Guerran, Arnel F. De Jesus bago si Ledesma.

Ibig sabihin nito, mga pare’t mare, noon pang panahon ni Dela Cerna ay nabunyag na ang katiwalian sa PhilHealth pero dedma lang ang Kongreso dahil… Ewan! Basta si Rody Duterte na ang Presidente noon!

Tingin ko kailangan pang laliman ng House Committee on Good Government ang pagbusisi sa pondo ng PhilHealth simula sa termino ni Duterte. Mismo!



***

Marami ang nagwawala kuno sa “zero subsidy” ng PhilHealth sa sunod na taon (2025). Ang mga nagwala ang mga kritiko ng Marcos administration, mga troll ng DDS! Ginamit nila ang isyu laban kay PBBM nang hindi naintindihan ang isyu kung bakit na-zero subsidy ang ahensiya.

Kaya hindi binigyan ng Kongreso ng pondo ang PhilHealth ay dahil nadiskubreng may naka-reserve pa itong P700 billion. Ang pondo ng ahensiya kada taon ay P100 billion lamang. Ibig sabihin, kahit higit 5 years pang walang govt, subsidy ang PhilHealth ay magagampanan parin nito ang kanilang mandato, ang alalayan sa hospital bill ang mahihirap na naoospital.

Kaya naman nagkaroon ng ganito kalaking reserve funds ang PhilHealth ay dahil sa mga ginawa nilang pautang at hindi pagpalawak sa serbisyo sa mahihirap na mamamayang naoospital. Mismo!

Kaya kung may kailangan mang-irali, ang dapat hambalusin ay ang mga nagpapatakbo sa PhilHealth. Hindi nila ginagampanan ng mabuti ang kanilang trabaho. Mismo!

Kaya nga kung may natitira pang hiya sa katawan itong si Morales, kahit ilang buwan palang siya sa puwesto, pangunahan na niya ang pagbitiw at manawagan siya sa mga may tahid na sa ahensiya na magbitiw narin para malinis sa mga bugok na opisyal ang PhilHealth.

Tandaan: Ang PhilHealth ay naitayo at nabubuhay dahil sa taxpayers money, mga manggagawa na awtomatikong kinakaltasan sa sahod para sa PhilHealth.

Kung ganito kawalanghiya ang mga namumuno sa PhilHealth, ano pang rason para maghulog tayo dito? Fuck!!!