Konsi Bong Marzan, namahagi ng Christmas gift boxes sa seniors ng district 4
Advertisers
NAMAHAGI ng Christmas gift boxes si Asenso Manileño candidate for Councilor sa mga senior citizens ng District IV. Ito ay kasabay din ng pamamahagi nina Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo Nieto at ang buong Asenso Manileño team sa senior citizens ng Maynila.
Ang distribusyon ng Christmas gift boxes ay nataon naman na kasabay ng payout ng senior citizens’ allowances para sa buwan ng September hanggang December 2024.
Nabatid sa tanggapan ni Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) chief Elinor Jacinto na ang lungsod ay kasalukuyang may 191,144 seniors citizens at bawat isa ito ay tatanggap ng P2,000.
Labis namang ikinatuwa ni Konsi Bong Marzan ang pagdoble ng buwanang allowances ng mga seniors sa Maynila na mula P500 ay magiging P1,000 na ito simula sa Enero ng susunod na taon.
Sa paglagda ni Lacuna ng City Ordinance 9081 makaraang pumasa ito sa Konseho ng Maynila ay opisyal na itong naging batas at simula sa susunod ng taon ang P500 na allowance ng mga seniors sa Maynila ay magiging P1,000.
Napag-alaman kay Konsi Bong Marzan na ang pagbibigay ng buwanang allowances na P500 sa mga seniors sa Maynila ay bahagi ng social amelioration program ni Lacuna noong siya ay bise alkalde pa lamang at Presiding Officer ng Konseho.
Samantala, kasama ang Asenso Manileño team ay pinangunahan naman ni Konsi Bong Marzan ang Christmas gift giving para sa seniors ng Brgy. 432 sa ilalim ni Chair. Ramil Barrientos.
Naanyayahan din si Konsi Bong Marzan na dumalo sa Christmas party ng Caritas noong Dec. 16, na ginawa sa NSPS. (ANDI GARCIA)