Advertisers

Advertisers

Kahit may video na nag-kiss… Sunshine tikom parin sa isyu kay Atong

0 140

Advertisers

Ni Favatinni San

NAKIUSO rin si Sunshine Cruz sa hiwalayan blues ng mga artista.

Masyadong masekreto si Shine pagdating sa kanyang karelasyon. Pagkatapos makipag live in sa half brother ni Ara Mina na si Macky Mathay, wala na tayong nabalitaan kung sino ang kanyang dyowa.



Importante sa kanya, okey sila ni Cesar Montano lalo na kung tungkol sa kanilang tatlong anak na babae. Maging yung kinakasama ni Cesar, maganda ang kanilang samahan.

Marami ang nabigla na nagkaroon pala ng relasyon si Shine at negosyanteng si Atong Ang.

Naku, si Gretchen Barretto ang pinagbibintangan na nagkalat ng balita.

Di ba si La Greta ang business partner (sa ilang negosyo niya) ni Atong? Marami tuloy nag-iisip na may namuong relasyon sina.Greta at Atong e, ayos naman ang pagsasama nila ni Tony Boy Cojuangco.

Samantala, kumalat sa social media ang video at smack kiss ni Atong Kay Shine.



Sa kabila na maingay na isyu sa aktres ay tahimik pa rin si Shine.

KaLowkah di ba, inggit much sila sa ganda ni Shine na tila magkakapatid lang sila ng kanyang mga anak.

As of presstime, walang pag-amin si Shine na naging dyowa si Atong. Ang hiwalayan nila ang pinag-uusapan gayung di na sila bagets, huh.

Hmmmp, feeling Daniel Padillat at Kathyrn Bernardo ang arrive.

***

PRANGKA ANG PRODU SA NAG-EEMOTE NA PRESS
SA Isang movie presscon, may nasagap kaming kuwento. Kapag may mediacon o press conference daw ay nagkakaalaman kung sino ang nag-invite. Ang movie columnist ay wala sa list ng mga invited press.

Kaya may I call siya sa produ kung pwede siyang umattend ng presscon e knows naman siya ng produ.

Eto ang deretsong sagot ng produ, “kaibigan kita pero may PRO/publicist kaming kinuha. Siya ang nag-invite ng press people. Of course may film producer na generous na mag-aabono ng “sobre” na may laman na datung at mga PRO naman na feeling diosa as in nakaarko ang kilay at talagang deadmatic ang arrive.

Sa syobis gan’un ang sistema kasi kaibigan ng produ. Kahit sa facebook nagsusulat pasok ka sa banga kapag feel ka as in friendship ni PRO. Hmmp, cinex film?