Advertisers
PINATALSIK ni Jeffrey De Luna ang kababayan Kyle Amoroto, 9-6, para makapasok sa semifinals at pinakahuling Filipino na nakatayo sa men’s division ng Asian 10-Ball Championship sa Doha, Qatar Martes, Disyembre 17.
Ang 40-year-old De Luna, na 9-ball silver medalist sa 2006 Asian Games, ay sumandal sa kanyang napakahusay na shot para lumapit sa titulo.
Dahil sa panalo ay ay makakaharap nya si Chang Jung-Lin, ng Chinese Taipei sa semifinals na tumalo kay Hayato Hijikata, 9-5 ng Japan.
Ang iba pang Filipino Anton Raga ay nalaglag sa Final 8,yumuko kay Dang Jinhu 9-3 ng China.
Kapag nagtagumpay si Raga ay makakasagupa nya si Ameer Ali ng Iraq,na pinabagsak ang taiwanese Hsu Jui-An, 9-6.
Sean Mark Malayan, isa pang Filipino sa tournament, nasasabik sa last 16 ay yumuko kay Hijikata, 9-7.
Bago ang tagumpay ni De Luna sa quarters, binigwasan nya ang Chinese Taipei’s Hsieh Chia Chen, 9-6, sa Last 16.
Sa totoo lang, sinimulan ni De Luna ang tournament sa 7-3 victory laban sa United Arab Emirates’ Talal Al Balushi, 7-3, at Qatar’s Mohammed Alyazeedy, 7-2, bago yumuko kay Hijikata, 7-3, para relegated sa losers’ qualification.
Giniba ni De Luna si Anurag Giri, 7-2, ng India, para makapasok sa last 16.
Samantala, Chezka Centeno at Rubilen Amit ay sasabak sa magkahiwalay na karibal sa women’s side matapos makakuha ng first-round bye.
Hihintayin ng two-time world 10-ball champion Amit, ang mananalo sa pagitan ng Lebanese players Mansoureh Norabadmotlag at Rana Nasserddine, habang si Centeno, makakatapat ang mananalo sa pagitan ng Vietnam’s Vang Bui Xuan at South Korea’s Harin Lee.