Advertisers

Advertisers

Astig ng Cavite! COL. ALEGRE BAGYO SA MGA ILIGALISTANG SINA KA MINONG, HERO AT JUN TOTO

0 1,049

Advertisers

KINONDENA ng mga anti crime and vice crusader sa Region 4A ang lantarang pa-mamayagpag ng mga sikat na iligalistang sina alyas “Ka Minong” sa Cavite, sakla king na si “Hero” at ang hari ng lotteng na si “Jun Toto” na umano’y “dikit” kay Cavite PNP Provincial Director, Colonel Dwight Alegre.

Ayon sa Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB), mistulang bulag, pipi at bingi si Col. Alegre sa mga inerereklamong pagmamaneobra ni Ka Minong sa operasyon ng mga iligal na sugal sa walong siyudad at 13 ba-yan sa probinsya ni ex-Cavite Governor ngayo’y Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.

Si Ka Minong, na nagpapa-kilalang bata-sarado/tagasunod ng mga Remulla, ay sumulpot nang maitalagang PD si Col. Alegre ilang buwan pa lamang ang nakaraan. Bitbit niya ang tubong San Pablo City na sina Hero at Jun Toto sa pagbuo ng sindikato na may kinalaman sa operasyon ng illegal vices tulad ng gambling, paihi at iba pang mga iligal na pagkakakitaan sa buong lalawigan.



Ang matindi pa pati kalakalan ng “basura” o shabu ay pasok din sina Ka Minong, Hero at Jun Toto.

Si Ka Minong ay pinangingi-lagan at kinatatakutan saan mang sulok ng lalawigan pagkat may mga kaso itong murder at nakalalaya bagama’t may standing warrant of arrest mula sa Regional Trial Court ng Cavite.

Si Hero, ayon sa MKKB, ay unang nakilala sa mga bayan ng Mendez at Magallanes bilang runner ng mga ilegalistang sakla operator, ngunit nang lumaon ay nagkaroon ito ng matinding koneksyon sa tulad ni Ka Minong.

Bukod sa pagiging sakla operator ni Hero, ito’y may daang bilang ng lamesa ng sakla na nagkalat sa bayan ng Mendez at Amadeo kasosyo si Joji; sa Maragondon, Ternate, Noveleta, Bailen at Naic kasosyo sina Eric; ang fake NBI agent na si Elwyn at ang babaing drug pusher na si Maricon sa Dasmariñas City at Cavite City kasosyo ang isang eskalawag na police sergeant.

Itinalaga pa ni Ka Minong si Hero na overall collector ng intelhencia sa lahat na payola mula sa mga “lord” para sa mga pulis at iba pang government officials.



Ang kanila ring grupo ang nagpapatakbo ng mga saklaan sa mga sabungan ng mga naturang bayan at siyudad at sa sangkaterbang tupadahan at lisensiyadong sabungan na nag-ooperate sa lalawigan.

Ang nakakadismaya, ang mga sakla den nina Hero sa mga sabungan at barangay sa buong Cavite ay guwardiyado pa ng mga pulis, na aakalaing legal ang operasyon, ayon din sa MKKB.

Si Jun Toto, ayon pa sa naturang anti crime and vice group, ay kilalang ilegalista sa Cavite at maging sa Metro Manila. Dati itong operator ng mga saklaan sa Malabon City ngunit dahil sa ipinagyayabang niyang lakas kay DILG Sec. Jonvic Remulla at Justice Secretary Boying Remulla ay nakuha niya ang basbas na maglagay ng lotteng, EZ2, Pick 3 at Peryahan ng Bayan (PnB) bookies sa buong lalawigan, gamit na kuta at rebisahan ng taya ang mga Brgy. San Luis 1 at San Luis II sa naturang ding probinsya.

Suki nitong kinokolektahan ng “weekly” ang mga bookies operator na sina Nita Kabayo, Santander, mga online bookies at E-Sabong operator na talamak sa buong lalawigan.

Maliban sa sakla, bookies o jueteng, nagpapabenta din ng droga partikuar shabu sa kanilang mga empleyado sa saklaan, mga kubrador at kabo sa bookies sina Hero, Ka Minong at Jun Toto katulong sina Nitang Kabayo at alyas Kap Abner ng Dasmariñas City.

Bukod sa pagpapakolekta ng lingguhang tong para sa ilang tiwaling opisyales ng Cavite Police, Region 4A at Camp Crame, inako narin nina Ka Minong, Hero at Jun Toto ang pag-iimbita sa mga pergalan (perya na pulos sugalan) operator upang maglatag sa lahat na ba-yan at siyudad sa hurisdiskyon ni Col. Alegre.

Ang mga pergalan con shabuhan na naipalatag nina Hero, alyas Ka Minong at Jun Toto ay ang pinatatakbo ni Gigi sa harap ng Bagong Munisipyo sa bayan ni New Silang Mayor Edward “Ted” Carranza. Ang dating PNP general na si Carranza ay na-pwesto bilang alkalde ng Silang nang masibak sa si ex-Mayor Kevin Anarna.

Sa pagkaupo bilang alkalde ni Carranza ay nagpista ang mga ile-galista sa Silang, sa katunayan ay tatlo ang kasalukuyang nagpa-patakbo ng pergalan malapit sa Silang new Municipal Hall.

Ang iba pang pergalan na naipa-latag nina Ka Minong, Hero at Jun Toto ay ang pinatatakbo ni Fe at Ronnie sa Brgy. Maguyam, Silang; Jessica sa ba-yan ng Alfonso at ang ino-operate ng isang alyas Lodie na naging mitsa ng malaking aksidente kamakailan sa Naic nang ang octopus ride sa peryahan ay bumigay at naging sanhi ng malubhang pinsala sa walong katao.

Pati ang deka-dekada nang operasyon ng paihi/buriki ng isang Amang at Violago sa Brgy. Bancal sa siyudad ni Carmona Mayor Dahlia Loyola ay pinalagyan pa nina Ka Minong, Hero at Jun Toto ng 24/7 na guwardiyang pulis na umaakto pang personal body guard ng operator ng buriki/paihi at security guard sa kuta ng naturang mga ilegalista.

Ayon sa MKKB, hindi katanggap-tanggap ang nagaganap na pambabalahura sa batas ng mga elementong kriminal sa Cavite, kaya’t dapat kumilos na si PNP Chief, general Rommel Francisco Marbil, at ang magkapatid na Boying at Jonvic Remulla, na kapwa kalihim ng gabinete ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ngunit nagagamit ang mga pangalan na panakot at “pamato” nina Ka Minong, Hero at Jun Toto. (CRIS A. IBON)