Advertisers
Ni Beth Gelena
ILANG taon ding naging friends sina Enchong Dee at Erich Gonzales.
Nakapanayam ang aktor at natanong ang kanilang pagkakaibigan kung saan hindi na aktibo ang aktres sa showbiz.
Sila ang magka-loveteam na grinoom ng Kapamilya Network.
Walang ligawan na nangyari sa kanila kundi pure LT hanggang sa naging best of friends.
They were known as the EnRich tandem.
Nang kinasal si Erich sa non-showbiz guy na si Mateo Lorenzo noong 2022 ay pinili niyang talikuran ang glitz and glamour ng showbiz.
Ang last TV project ni Erich ay La Vida Lena.
Sa panayam kay Enchong, naalala niya ang friendship nila ng aktres.
Post niya sa kanyang IG base sa artikulo, isang simply caption ang kanyang sinulat with “Since 09.”
Binahagi rin ng aktor ang throwback photos nila ni Erich na may background song na Ikot.
The song has these lyrics: “Ikaw lang at ikaw ang sinisigaw/ Ng puso kong ‘di mapakali/ Ikaw lang at ikaw ang sinisigaw/ Pag-ibig ko’y sana mapansin.”
Komento ng kanilang fans, they admired the “platonic relationship” between Enchong and Erich while some were anticipating their reunion project.
Isang netizen naman ang nagtanong, “Pre ba’t ganun ang song choice?”
***
RITA MAY POST UKOL SA MGA TODDLERS
MAY pinost si Rita Daniela ng nakatatuwang quote ukol sa toddlers.
Sa kanyang IG Stories ay ibinahagi niya ang toddlers’ funny quote.
Aniya, “Nobody runs faster than a toddler holding something they shouldn’t be.”
Kamakailan lang ay may isyu na binulgar ang Kapuso aktres hinggil sa ginawa umano ng kasamahan niyang aktor sa isang serye na si Archie Alemania.
Naghain ng reklamong acts of lasciviousness ang aktres laban sa aktor.
She admitted that it took prayers and reflection before she was finally able to taken the cudgels for herself and file the complaint.
“I have to be OK. I have no choice because siyempre, there’s a person who’s depending on me. If bibigay ako, mas kawawa si Uno. Mas kawawa ‘yung anak ko…” “They’ve been telling me personally na, ‘Hey, I like what you did. You’re so brave. I hope I can be like that for myself before.’ It took me a while talaga to do this, kung ano man ‘yung ginawa ko kasi talagang, maliban sa pagdadasal, kailangan din ng ano eh, ‘yung talagang pagnilay-nilayan mo lahat siyempre.”
Nag-file naman ng kontra demanda ang aktor hinggil sa aktres.
***
NAGBIGAY ng classy response si Janine Gutierrez sa komento na ‘grabe pagkaka-edit’ sa kanyang calendar shoot.
Isang basher ang nagkomento hinggil sa kuha niyang mga larawan.
Earlier, Janine aired a classy and direct response to one of her bashers.
Sa Instagram page ng aktres post ng basher, “Grabe pagkaka-edit ah. Napakanipis niya sa mga photo niya, pero nung launching, ang taba niya po. Grabe ang photoshop, @asiabreweryofficial.”
Janine calmly responded and revealed the shoot was done in October and was launched in December. “I can see how this can be confusing! We shot the calendar in October and the launch was in December 🙂 In those two months, I went to Japan for the Film Festival, attended Thanksgiving parties for our show, and really took a break from strict diet and workout. I always take it easy during the holidays and enjoy my body in its different shapes, you should too!” ani Janine.
***
ALEXA PINUSUAN ANG SWEET POST NI MIKA
PINUSUAN ni Alexa Ilacad ang sweet na post ni Mika Dela Cruz kasama ang mister na si Nash Aguas.
Makikita sa Instagram post ni Mika na tuwang-tuwa silang mag-asawa sa bahaghari na makikita sa kanilang farm. Bukod sa bahaghari ay mayroon pang makikitang full moon na nagdagdag sa pagkamangha nila.
Marami ang nag-like at nagkomento sa naturang post ni Mika at kabilang ang dating on-screen partner ni Nash na si Alexa kung saan pinusuan niya ito.
Manghang mangha ang celebrity couple habang pinagmamasdan ang rainbow.
Dagdag pa sa kanilang pagkamangha ang full moon na kitang-kita rin sa likuran, na nagbigay ng mas espesyal na tanawin sa kanilang araw.
May nagkomento ng “Genesis ng 9:13-17”
Ani Mika: “@philipino_ako nagulat kami kuya super amazing to see hehehe @h4mm_gg loookyy”
Sey naman ng ibang netizens: “God signs po”
“A signs of God’s love and covenant with you guys! The Lord loves us all and He is always faithful! May God bless you and your household.”
“You’re blessed nakakakilig naman ang sweet”
“Nothing is impossible with God. He is always amazing. Have faith and Believe. Focus on blessings and beauty of life”
***
GRABE pala ang outfit ni Anne Curtis nang um-attend siya ng ABS-CBN Christmas Special 2024.
Ang caption ng TV host-actress: “liquid gold”
Ang daming nagkomento sa kanyang magarbong kasuotan with matching sexy poses.
Sey ng mga commenter: “Jusko Anne bigla ako nagiging straight sa yoooo”
Ang isa naman ay “natotomboy na ako”
“PARANG CARYATID SA PARTHENON.. DYOSA!”
Tinawag pa siyang “DYOSA FOR ALL SEASONS at DYOSA OF ALL MEDIA”
Ang isang commenter ay talagang minasdan nang todo ang underarm ng asawa ni Erwan (Heussaff), “focus lang talaga sa kilikili”
Maging ang mga kalalakihan ay nagkomento ng, “nakakapag-init ka ng katawan ms anne… Super hot mo… Dinaig mo ang mga calendar celebrity… Wala silang sinabi sa yo!”