Advertisers

Advertisers

‘PHILHEALTH INUNA ANG NEGOSYO KESA SERBISYO’

0 15

Advertisers

SA pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability nitong Martes, Disyembre 17, sinabi ni Kabataan party-list Representative Raoul Manuel na hindi tama ang paghawak ng bilyun-bilyong pisong halaga ng pondo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ng reserve funds nito dahil inuna ang pagkakakitaan mula sa investment schemes imbes sa mga miyembro na nangangailangan ng tulong.

“Parang baliktad, Mr. Chair. Supposedly ang sine-set up ng PhilHealth ay para tiyakin ang kalusugan natin,” ayon kay Manuel.

Ito ay matapos ipangalandakan ni PhilHealth President Emmanuel Ledesma, Jr. sa House panel na mayroon ang ahensiya ng P281 billion reserve funds at P150 billion surplus funds kaya hindi ito nababahala nang sabihin ng Kongreso na hindi ito bibigyan ng subsidiya mula sa 2025 national budget.



“Bakit tayo umabot sa ganitong punto na also cited by COA, Mr. Chair, ‘yun pag-manage din po ng reserve funds ng PhilHealth na ‘yun investment funds, actually ay hindi po na-cover yun two-year projected program expenditures ng PhilHealth,” saad ni Manuel.