Advertisers

Advertisers

Concio naghari sa PH juniors chess tilt

0 8

Advertisers

NAGHARI si International Master Michael Concio, Jr. sa Philippine National Juniors Chess Championship Lunes ng gabi, Disyembre 16, sa PACE para makamit ang karapatan na katawanin ang bansa sa Worlds sa Petrovac, Montenegro sa susunod na taon.

Pinatalsik ng 19-year old Concio, ang solo leader Gabriel Ryan Paradero sa 55 moves ng King’s Indian Attack sa eight at final round para masilo ang kanyang pangalawang korona matapos magwagi nakaraang taon.

Ang Dasmariñas bet, nagtapos sa 6.5 points may 5 panalo at 3 draws, nakakuha ng slot sa World Juniors Championship sa Pebrero sa Petrovac kung saan magkaroon siya ng tsansa na makamit ang outright Grandmaster title kapag nagtagumpay sa event.



Kapag nakamit niya ang kapalaran, susundan niya ang yapak ng childhood friend Daniel Quizon, na naging bagong GM ng bansa sa Budapest Olympiad nakaraang Setyembre.

Bukod kay Paradero, ang panalo ni Concio ay nagmula kay John Andrew Garcia,John Cyrus Borce, Cyrus Francisco, at Mar Carredo.



Makakasama ni Concio si Lexie Hernandez, na nangibabaw sa girl’s side ng event na pinatatakbo ng NCFP at suportado ng PSC, sa Petrovac.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">