Advertisers
KUMPIRMADO na maglalaro si Kevin Quiambao ng La Salle sa Korean Basketball League (KBL) sa Goyang Sono Skygunners na kanyang unang hakbang sa propesyonal leg para ipagpatuloy ang kanyang NBA dream.
Tinapos ni Quiambao ang kanyang UAAP men’s basketball career nitong Linggo sa 62-66 Game 3 loss sa UP, ay inanunsyo sa Facebook post Lunes ng umaga.
“My college career comes to an end. I will pursue my NBA dream and start my journey by playing professional ball in Goyang Sono SkyGunners and developing my game even more,” Paskil ng MVP sa kanyang post, kung saan pinasalamatan nya ang La Salle, his bosses, teammates, coaches, at pamilya sa kanyang 3 years sa Taft.
Ang versatile forward ay pinamunuan ang Archers sa three seasons kung saan niya nakamit ang 2 Most Valuable Player plums,, Rookie of the Year award, two Mythical Five citations, one Finals MVP, at ang championship nakaraang taon.