Advertisers

Advertisers

Bonny 4 LeBron?

0 13

Advertisers

Kung kaya pala ni Bronny James umiskor ng 30 puntos ay sana pinalaro na siya ni Coach JJ Reddick sa mga game ng Lakers na wala ang ama nitong si LeBron. Sa pagkatalo ng purple and gold ay ginamit na sana si Junior dahil kapos sila ng firepower.

Naka-87 lang final score nila vs Timberwolves.

Kulang talaga sa mga scorer kahit pasado sila sa depensa.



Malamang napunuan ng panganay ni James ang absence niya kahit struggling sa efficiency ang anak. Hehe.

***

Nakabawi na si Francis Lopez ng UP sa kanyang missed free throws sa last minutes ng Game 2 na isa sa dahilan ng pagkatalo sa DLSU.

Isa siya sa sinisi at aminado naman sa pagkukulang.

Ngun’t sa Game 3 ay isa naman siya sa mga hero ng Fighting Maroons kaya sila ang tinanghal na kampeon sa UAAP.



May 12 points, 11 rebounds, 6 assists, 1 block at 1 steal. Kabilang dito ang tres niya sa huling minuto ng do-or-die match.

Samantala naging sobrang lungkot ang posibleng last game ni Kevin Quiambao billang Green Archer.

Hindi siya gaano nakaporma sa laban noong Linggo. Nakapagtala lamang siya ng 13 points sa 4 of 11 na shooting.

Malamang ay lumipad na si KQ sa South Korea sa susunod na mga araw dahil may naghihintay na P22 milyon na kontrata sa kanya sa Goyang Sono Skygunners sa KBL.

Aba hindi niya kikitain sa Pinas ang ganyang halaga kahit pa sa PBA.

***

Tiyak masayang-masaya si Sen Kiko Pangilinan sa tagumpay ng kanyang alma mater sa UAAP men’s basketball championship.

Bumalik na sa Diliman ang korona.

Tapos ng abogasya sa State U ang kabiyak ni Sharon Cuneta. Student leader din si Sen Francis P noong panahon niya sa unibersidad.

Bukod diyan ay varsity player pa siya sa volleyball kung saan naka- runner up ang koponan niya. Middle blocker ang uncle ni Donny Pangilinan sa team.

***

Nagtataka si Pepeng Kirat kung bakit ang tagal na ni LBJ na wala sa active duty?

May injury pa ba? Personal reasons? May nilulutong trade? Baka isa diyan o all of the above? Abangan!