Advertisers
PINATIKIM ng Petro Gazz sa Cignal ang kanilang unang talo,25-19, 25-21, 25-18, Sabado sa PVL All-Filipino Conference sa Philsports Arena para tapusin ang 2024 preliminary round games ng liga bago ang holiday break.
Pinamunuan ni Brooke Van Sickle ang opensiba ng Angels sa iniskor na 13 attacks at six blocks,habang si Myla Pablo may 15 points para sa Petro Gazz na umangat sa 5-
Samantala, Ces Molina, umiskor ng 10 points para sa HD Spikers na nadulas sa 4-1.
Gayunpaman, Dinispatsa ng Chery Tiggo ang Galeries,30-28, 20-25, 19-25, 25-16, 15-8.
Cess Robles, may 21 points,habang si Aby Maraño umiskor 15 points para sa Crossover na nag imroved sa 4-2.
France Ronquillo may 18 points,habang si Jewel Encarnacion may 16 points para sa Galeries na dumadsad sa 1-5.
Babalik sa aksyon ang PVL sa Enero 18 na triple header unang magbabakbakan ang Akari at PLDT. susundan ng Farm Fresh kontra Nxled para simulan ang 2025 games, susunod ang laban sa pagitan ng Zus Coffe at Choco Mucho.