Advertisers

Advertisers

Abono partylist prexy patay sa ambush

0 21

Advertisers

PINAGBABARIL ang presidente ng Abono partylist habang pauwi sa bayan ng Pangasinan, Sabado ng gabi, Disyembre 7.

Kinilala ang biktima na si Ponciano Onia, Jr., 59 anyos.

Sa ulat, minamaneho ni Onia ang kanyang sasakyan sa kahabaan ng Barangay village pauwi sa kanyang tahanan sa Barangay San Leon, Umingan nang barilin ng nakasakay sa motorsiklo ng 7:45 ng gabi.



Nagtamo si Onia ng ilang tama ng bala at dinala sa Umingan Community Hospital subali’t nasawi 8:40 gabi habang ginagamot.

Masuwerte namang ‘di natamaan ang dalawa niyang empleyado na kasama niya sa sasakyan nang maganap ang pamamaril.

Natagpuan ng mga pulis ang walong basyo ng caliber .45 na baril.

Tatakbo sana si Onia para sa re-election sa May 2025 polls.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">