Advertisers
NASAWI ang dalawang retiradong pulis, habang sugatan ang kandidatong vice mayor at 2 pa nang tambangan sa bayan ng Malabang, Lanao del Sur noong Sabado.
Kinilala ang mga nasawi na sina Solaiman Alibasa at Hadji Sandab.
Ginagamot naman sa Serapio Montaner Hospital si Ramil Macugar, kumakandidatong bise alkalde sa Malabang, at dalawa pa niyang kasama dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.
Sa report, 4:10 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa Barangay Paigoay, Marogong, Lanao del Sur.
Sakay ang mga biktima ng isang kulay pulang Toyota Innova at habang binabagtas nila kahabaan ng kalsada patungo ng Malabang mula sa Marogong nang pagsapit sa madamong bahagi ng Brgy.
Paigoay ay pinaputukan ang mga ito ng mga nag-aabang na armadong grupo.
Nasawi noon din ang dalawang retiradong pulis sanhi ng mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan, at pagkakasugat nina Bao, habang mabilis na tumakas ang mga salarin.(Mark Obleada)