Advertisers
USAP-USAPAN ngayon ang nabalitang relasyon ni Maris Racal at Anthony Jennings.
Alam nyo ba na may isang Congresswoman mula sa isang premyadong city sa NCR na mala Maris Racal drama? Lonely rin daw sya kaya nagkaroon ng relasyon sa isang may asawa at mga anak.
Mismo! Si Congresswoman ang dahilan ng pagkasira ng isang pamilyang dati ay buo at masaya. Ganyan na ba ang kalakaran ngayon? Kapag nalungkot ka, mang-aagaw ka ng asawa at sisirain mo ang pamilya ng iba?
Ang malala pa, ang Congresswoman ay wala umanong bahid ng pagsisisi. Sa halip, nagpapakita pa raw ito ng pa-bebe moves sa harap ng madla, na para bang walang masama sa ginagawa nila? Yes, ginagawa – as in present tense – dahil patuloy pa rin ang kanilang illicit relationship. Nakupo!
Honorable ba o bad example? Kung ganito ang ugali ng isang public servant, paano mo maaasahan na magiging mabuti siyang ehemplo sa mga tao? Napakahalaga ng integridad sa posisyon, lalo na kung ikaw ay isang mambabatas. Kung personal na buhay pa lang ay sablay na, paano pa kaya sa responsibilidad bilang lider?
Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga taga-distrito ni Congresswoman? Abangan ang susunod na kabanata!