Advertisers
ABOT-abot ang pasasalamat ng mahigit 800 residente na nabigyan ng tag-5 kilong bigas at makakain ng lugaw mula sa “Pinoy Ako Partylist” sa Brgy. Pintong Bukawe, San Mateo Rizal.
Ito’y bilang bahagi ng programa o ayuda ng “Pinoy Ako Partylist” na kanilang gagalugarin ang mga liblib na lugar at kanayunan para magkaloob ng tulong tulad ng mga pagkain.
Naging benepisaryo ng programa ang mga katutubong Dumagat Remuntado at mga residente mga bata at matatanda ang nakatikim ng libreng lugaw.
Laking pasasalamat naman ni Pastor Duldulao, tumatayong pastor ng mga katutubo sa biyayang hatid ng “Pinoy Ako Partylist” .
Anya, bibihirang marating ng tulong ang kanilang lugar dahil sa kalayuan at ilan din sa problema umano nila ay ang pangkalusugan.
Nagsagawa din ng konsultasyon sa mga katutubo dahil sa karaingan ng mga ito tulad ng problema sa kalusugan, edukasyon at trabaho.
Sa pahayag ni Atty. Apollo Emas, isa umano sa common problem ng mga katutubo sa Luzon, Visayas at Mindanao ang usapin sa kalusugan.
Habang papalayo anya ang kabihasnan ay pakonti ng pakonti ang serbisyo na natatanggap nila mula sa gobyerno.
Ayon sa “Pinoy Ako Partylist”, ito na umano ang ikaapat na beses na pagsasagawa nila ng medical mission at pamamahagi ng tulong ang pinakahuli ay ang medical mission sa Cuyambay Tanay Rizal noong December 3, 2024.