Advertisers
Ni Rommel Placente
PINAG-UUSAPAN pa rin sa showbiz ngayon ang pinakamainit na isyu tungkol kina Maris Racal at Anthony Jennings na ayon sa ex gf ng aktor na si Jam Villanueva ay nagtaksil ito sa kanya.
At si Maris ang third party involved.
Marami ng nagbigay reaksyon maging si Vice Ganda ay tila updated sa mga ganap na may kaugnayan sa nasabing trending issue.
Sa episode ng It’s Showtime noong Wednesday, December 4, bago ang kanilang segment na “And the Breadwinner is…” ay binati muna nila ang madlang pipol.
“Madlang pipol! So ano na nga? Ano nang plano ninyo sa sa darating na Pasko? Magplano na kayo para sa Pasko. Hindi ‘yung basa kayo ng basa ng mga ganap sa Twitter! Oh my God!” tanong ni Vice sa audience.
Dagdag pa ng comedian-TV host, magplano raw ang mga ito sa Pasko hindi raw ‘yung abang ng abang, mga puyat na puyat na raw. Kilos kilos daw.
Hindi naman direktang binanggit ni Vice ang isyu nina Maris at Anthony na kilala sa tambalang ” MaThon, bagkus ang isyu ngayon sa South Korea ang kanyang sinabi kung saan nagdeklara raw ng Martial Law ang kanilang presidente na si Yoon Suk Yeol.
Nag-alala raw si Meme Vice sa anak-anakan na si Ryan Bang. Pero happy raw sila na safe ang mga magulang nito sa Korea.
Anyway, kasama ni Vice sina Maris at Anthony sa pelikulang And The Breadwinner Is na entry sa MMFF 2024, na showing na sa December 25.
***
MATAPOS mapa-wow ang global audience mula Cannes, Locarno at Austin, pinagmamalaki ng Nathan Studios sa pangunguna ni Sylvia Sanchez na ang pelikulang pinroduce nilang “Topakk” ay nasa Pinas na, at napabilang pa sa Metro Manila Film Festival 2024.
Pinagbibidahan ito ng anak niya na si Congressman Arjo Atayde, kasama si Julia Montes.
Ayon kay Ibyang, mas naiintindihan na raw niya ngayon ang trabaho ng production people, bilang producer na rin siya ngayon.
Sey niya, “Mas mahirap talaga ang ginagawa nila. Walang kain, takbo dito, takbo doon. Unlike artista ako, pagdating ko sa set, aarte lang ako. Ngayon, nararanasan ko yung hirap, ‘yung magutom,”
Sa tanong na kung kailan siya tinotopak since ang title ng movie nila ay Topakk, ang sagot niya, ay hindi raw siya pwedeng topakin dahil masisira ang araw niya.
Bilang artista naman ay binida ng aktres ang husay sa pag-arte ng kanilang mga artista.
Ang nasabing pelikula ay tumatalakay sa dating special forces operative na dumaranas ng Post Traumatic Stress Disorder o PTSD.
Kasama rin sa pelikula sina Sid Lucero, Enchong Dee, Cholo Barretto, Jeff Tam, Paolo Paraiso at marami pang iba, at mula sa direksyon ni Richard Somes
Sa December 25 na mapapanood ang Topakk.