Advertisers
SUGATAN ang dalawang pulis at dalawa ang masuwerteng hindi nasaktan nang aksidenteng mawalan ng kontrol sa manibela and driver at bumangga sa isang puno ang sinasakyan nilang kulay maroon na Toyota Revo (SUV) na may plakang TWG 360 sa matarik at kurbadandang daan sa Barangay San Roque ng Catanauan, Quezon, nitong Huwebes.
Kinilala ang mga biktima na sina P/Corporal Dustin Delo, 29; at Staff Sgt. Mira Loren, 42, na naka- assigned sa Mulanay Municipal Police Station.
Sa report ng Catanauan Municipal Police Station patungo ng Buenavista-Catanauan Road ang sinasakyan ng apat na pulis ng mangyari ang aksidente at nagtamo ng malubhang pinsala sa katawan si Staff Sgt. Loren, habang nagkaroon naman ng minor injury si Corporal Delo.
Masuwerte naman hindi nasaktan sina P/Corporal Dustin Delo, 29; at Staff Sgt. Neil Ian Nieves, 44.
Agad na dinala sa Bondoc Peninsula Hospital District si SSgt. Loren dahil sa mga tinamong sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan bago inilipat sa MMG Hospital sa Lucena, Quezon.
Ayon naman kay Mulanay PNP Officer in Charge Police Major Joseph Ian C. Java, magsisilbi sana ng warrant of arrest ang mga pulis sa isang suspek na may kasong attempted murder na nagtatago sa bayan ng Catanauan ng mangyari ang aksidente.(Koi Laura)