Advertisers

Advertisers

Seniors, bida na sa Distrito Kwatro, bida pa sa puso ni Konsi Bong Marzan

0 10

Advertisers

ISANG kakampi at nagmamalaking tagapagtaguyod ng karapatan ng ating mga lolo at lola o senior citizens si Asenso Manileño candidate for councilor sa Distrito Kuatro at Liga ng mga Barangay Director Bong Marzan.

Kaya naman sinaluduhan niya ang ginawang paglagda ni Manila Mayor Honey Lacuna sa City Ordinance 9081 noong nakalipas na buwan kung saan naging ganap ng batas pagdoble ng buwanang allowances ng lahat ng senior citizens sa kabisera ng bansa.

Mula sa dating P500 ay magiging P1000 na ang allowances ng mga seniors at matatanggap na nila ito simula Enero ng taong 2025.



Bilang Chairman din ng Brgy. 497 sa Sampaloc, prayoridad ni Konsi Bong Marzan sa kanyang nasasakupang barangay ang lahat ng mga senior citizens na residente dito. Lahat ng mga posibleng tulong ay ibinibigay ni Marzan sa lahat ng seniors simula sa isang simpleng pagdalaw sa kanilang mga tahanan, pagkumusta sa kanilang kalagayan at lalo na sa kanilang kalusugan.

Regular din ang pagmo-monitor ni Konsi Bong Marzan sa tulong ng mga Barangay Health Workers sa mga seniors at inaalam kung may regular ng iniinom na maintenance drugs para sa kanilang blood pressure, sugar, cholesterol at iba pa. Sa ganitong paraan ay regular na nabibigyan ng kanilang mga required na gamot ang mga seniors at regular din nila itong maiinom. Ito ay base na rin sa kanilang regular check-ups sa Maria Clara Health Center na isa sa 44 na health centers na nakakalat sa anim na distrito ng Maynila.

Sa Distrito Kuatro, totoong bida ang mga seniors, dahil di lang sa Distrito sila bida, kundi mismong sa puso ni Konsi Bong Marzan.

Samantala ay dinaluhan din ni Konsi Bong Marzan ang Christmas Party ng Senior Citizens Aetozumbabidas sa isang.kilalang fastfood sa Retiro, Quezon City. Ang mga Aetozumbabidas ay mula sa Brgy. 520 kung saan si Kagawad Precie ang siyang founder.

Nauna rito ay naging Punong hurado rin si Konsi Bong Marzan sa isinagawang Zumbalatan Dance Contest 2024 sa Claro M. Recto High School noong nakaraang buwan. (ANDI GARCIA)