Advertisers

Advertisers

Pilipinas nakamit ang overall BIMP-EAGA title

0 5

Advertisers

Puerto Princesa City – Kumutitap ang Team Philippines A pagkatapos umani ng kabubuang 30 golds, 37 silvers at 32 bronzes para dominahin sa unang pagkakataon ang 2024 Brunei Darusalam, Indonesia, Malaysia, Philippines (BIMP-EAGA) Growth Area Friendship Games na ginanap sa Ramon V. Mitra Sports Complex dito.

Nalampasan ng Team Philippines A na binubuo ng Davao Region and kanilang dating pinakamataas na nauwi na 12 gold medals simula umpisa noong 1996 sa taonang palakasan. Umukit rin ang Davao athletes ng kabuuang 16 silvers at 17 bronzes.

Pumapangalawa naman ang Malaysia-B sa 17-16- 17 gold-silver-bronze haul at nasa ikaltong puwesto ang Indonesdia sa 14-8-5. Ang Team Philippines-E na binubuo ng host Puerto Princesa Citay nagpasiklab din ng 13-8-11 para sa pang-apat na puwesto at sumunod ang Philippines-B (Gen. Santos City) para sa ikalimang puwesto.



Sa siyam na team na sumasali sa taong ito, pang-anim ang Malaysia-B sa kanilang 6-6-10 at pang-pito ang Philippines D ng Palawan Province at pang-walo ang Brunei Darusalam sa 1-2-8. Nasa hulihan naman ang Philippines-C ng Bangsang Moro Autonomous Resgionof Muslim Mindanao sa 1-2-1 tally.

Nagpasalamat naman ang Malaysia sa pagbigay sa kanila bilang host sa susunod na taon.