Advertisers

Advertisers

Misis binaril ng ex- hubby, 2 anak dinamay sa pagpapakamatay

0 21

Advertisers

Kalunos-lunos ang sinapit ng magkapatid na edad tatlo at lima nang barilin ng sarili nilang ama, na unang binaril ang kanilang ina sa Bacong, Negros Oriental.

Sa ulat, nangyari ang trahedya sa pamilya sa Purok San Roque, Barangay Buntis sa Bacong.



Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, unang binaril ng 30-anyos na salarin ang kaniyang asawa nang magtalo ang dalawa.

Nagawa namang makatakbo ng ginang at doon na pinagbalingan ng salarin ang dalawa nilang anak na babae.

Matapos barilin ang kaniyang mga anak, nagbaril din sa sarili ang salarin na kaagad niyang ikinasawi.

Sa hiwalay na ulat, sinabing nag-ugat ang away ng mag-asawa nang pumunta ang salarin sa bahay ng ginang para hiramin ang dalawang anak.

Pero tumanggi umano ang ginang na dahilan para bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang kaniyang asawa.



Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyari.