Advertisers
PATAY ang isang lalaki nang pagbabarilin ng mga suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo sa Malabon City, Biyernes ng ma-daling araw.
Dead on the spot sa mga tinamong tama ng bala sa katawan ang biktima na nakilalang si Kenneth Lozada, 24, ng Blk 34, Lot 11, Malipoto St., Brgy. NBBS, Navotas City.
Sa report nina PMSg Michael Oben at PSSg Bengie Nalogoc kay Malabon police chief P/Col. Jay Bayba-yan, 3:15 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng C4 Road, Brgy. Tañong, Malabon.
Base sa pahayag sa pulisya ng saksi na si alyas “Hayden”, 22, nakita niya ang biktima na nakatayo sa nasabing lugar nang duma-ting ang dalawang lalaki na riding in tandem at kapwa walang suott na helmet saka huminto malapit kay Lozada.
Bigla na lamang binaril ng dalawang beses ng mga suspek ang biktima at mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Navotas City.
Inatasan na ni Col. Baybayan sa kanyang mga tauhan na suriin ang kuha ng mga CCTV camera na nakakabit sa nasabing lugar na maaring makatulong para matukoy ang pagkakilanlan ng mga suspek at sa pagkakaaresto sa mga ito habang inaalam pa ag motibo sa pagpatay sa biktima.(Beth Samson)