Advertisers
Marami ang nakapansin sa malaking improvement ng laro ni Kai Sotto.
Maganda kasi ipinakita ng 22 años na sentro.
Hindi lang sa scoring kundi pati sa rebounding at passing tumaas ang antas ng game niya.
Sa apat na W sa FIBA Asia Qualifiers may average siyang 15.5 na puntos, 12.5 na rebound, 4.na assist at 2.3 na block.
Gumagaling talaga ang seven-footer na Pinoy sa sistema ni Coach Tim Cone.
Sa ikatlong team ng anak ni Ervin Sotto na Yoshigoya Alphas sa Japan B-League ay maganda rin ipinapamalas
Big factor din ang strength at conditioning coach ng dating Ateneo Eaglet.
Ayon kay Martin Lantin ng Fit Twenty One sa Las Pinas na hawak si Kai nitong huling 15 buwan ay wala pa sa full potential ang speed at power ng kliyente.
“Sa darating na mga taon ay lilitaw din ang Godzilla kay Sotto,” wika ni Martin
Pwede siguro sa Jeddah, Saudi Arabia sa Agosto 2025 na madomina na niya ang buong Asya.
***
Nagkainitan sina Yeng Guiao at Nenad Vucinic noong huling game mg Rain Or Shine at Meralco.
Ayaw kasi ni Coach Yeng na may sumisita na mentor mula sa kalaban ng kanyang mga player.
Ganyan ang Kapampangan na bench tactician sa mga nasa koponan niya. Handang ipagtanggol ano mang oras kanino man.
Uminit ang ulo ng active consultant ng Bolts at may sinabi kay Beau Belga kaya umeksena ang dating bise-gobernador ng Pampanga. Sa tingin kasi ni Nenad ay nananadyang manakit si Belga sa mga cager nila Mabuti may mga umawat agad.
Player sa player, coach sa coach nga naman dapat.
***
Isa pang rebelasyon ni Joe Lipa sa pnayam natin sa legendary Coach sa OKS ay ang tinawagan siya ni Ron Jacobs na siya ang dapat pumalit bilang mentor ng RP Team
Pagkatapos kasi ng EDSA 1986 ay umalis na si Danding Cojuangco sq Pinas. Naulila ang NCC at nawala na rin sa eksena si Jacobs.
Nguni’t nang magkausap ang dalawang batikang bench tactician ay sinabi ng Amerikano na si Lipa ang may K humalili sa kanya.
Ganoon na ang nangyari nang hinirang ni Lito Puyat ng BAP ang kampeon mula sa UP upang humawak ng Philippine squad sa Seoul Asian Games.