Advertisers

Advertisers

Intellectually disabled pwede pa rin gawin testigo sa korte – SC

0 3

Advertisers

BINIGYANG-DIIN ng Supreme Court (SC) na ang isang taong may intellectual disability ay hindi diskwalipikado na tumestigo sa korte dahil lamang sa kanyang kapansanan.

Hinatulang guilty ng Korte sina Jose Roel Sison Bragais (Bragais) at Alfredo Evangelista Tacuyo (Tacuyo) sa pagpatay sa isang 12-anyos na babae. Pinaniwalaan ng SC ang nag-iisang saksi na na-diagnose na may “moderate mental retardation.”

Binigyang-diin ng Korte na ang kakayahan ng isang tao na tumestigo ay nakasalalay sa kanyang kapasidad na magbahagi ng kanyang nalalaman. Kung malinaw at naiintindihan ang kanyang patotoo, maaari itong tanggapin ng Korte.



Ito ay naaayon sa A.M. No. 19-08-15-SC, na inamyendahan ang Revised Rules on Evidence para isaad na ang lahat ng “mga taong kayang umunawa at nakakaunawa, at may kakayahang ipahiwatig ang kanilang nauunawaan sa iba, ay maaaring maging mga saksi.”

Sinabi ng SC na nagkaroon ng pagkakataon ang trial court na obserbahan ang kilos ng saksi at may sarili itong assessment sa kanyang kakayahang magsabi ng totoo.

Sa pasya ng RTC, hindi pabagu-bago at hindi natitinag ang testimonya ni Mambo sa pagtukoy sa mga akusado bilang mga indibidwal na gumawa ng krimen.

Ayon sa SC, napatunayan din ng prosekusyon ang lahat ng elemento ng kasong murder batay sa ebidensya.

Pinaalala rin ng Korte ang paggamit sa mas mabuting paraan para sa pagtukoy sa mga taong may kapansanan.



Iminungkahi nito ang paggamit ng people-first language, na nagbibigay-diin sa indibidwal bago ang kanilang kapansanan. Habang ang terminong “mental retardate” ay isang lehitimong terminong medikal, sinabi ng Korte na hindi na ito kanais-nais gamitin dahil sa mga negatibong kahulugan nito.

Ang desisyon ay mula sa Second Division ng Korte Suprema, na isinulat ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen.