Advertisers
Ni Beth Gelena
IPINOST ni Jake Ejercito ang bagong convo nila ng anak na si Ellie tungkol sa kanyang latest achievement.
Very proud na binalita ng ama sa anak na sumali siya sa Angkor Wat International Half Marathon sa Cambodia at nakumpleto niya umano ang 21km race.
Tuwang-tuwa niya itong itinext kay Ellie.
Sumagot naman ang anak.
Simpleng sagot ang natanggap ng celebrity father, “morning,” ani Ellie.
Kalakip ang kanyang larawan na naka-jersey, ani Jake, “I swear she’s proud of me #JEllieConvos”
Shinare ni Jake ang convo nilang mag-ama sa kanyang FB account.
Natawa ang netizens sa effortlessly cool reaction ni Ellie.
***
Ma-renew kaya
ang kontrata?
IT’S SHOWTIME WALA PA RING KASIGURADUHAN KUNG PATULOY NA MAPAPANOOD SA KAPUSO
MAY sitsit nang lamalabas na patuloy umanong mapapanood ang It’s Showtime sa GMA-7.
Gaano kaya katotoo ang balitang ito?
Na-renew na raw ng noontime show ang kontrata sa Kapuso Network.
ABS-CBN continues to produce shows even though it no longer has a television franchise. These past years, the media company has become a content provider for other TV networks. Kapamilya shows can now be watched on GMA, GTV, and TV5. Some of its shows are also being aired on ALLTV, aside from different online platforms.
At isa ang It’s Showtime na nagkaroon ng chance na na-occupy ang noontime slot ng GMA this year.
Pero, lately may lumabas na hanggang December this year na lang umano mapapanood ang noontime show ng Kapamilya.
May alegasyon na magtatapos na ang kanilang kontrata nitong katapusan ng Disyembre dahil may ipapasok.na raw na show ang Kapuso.
Nagsalita naman ang GMA senior vice president Annette Gozon-Valdes about sa issue.
Aniya, they are still negotiating with It’s Showtime.
Wala pa raw silang final decision sa kasalukuyan.
Sa isang article ng tabloid newspaper, ayon sa kanilang source, ang Kapamilya noontime show is set to renew its contract with GMA Network.
“Narinig ko na sure na sure na diumano ang pagre-renew ng contract ng It’s Showtime sa GMA 7 for another year,” sey daw ng source.
Pero ayon sa nag-ulat, there will still be a discussion about when the renewal will happen.
Well, mare-renew pa nga kaya ang programa nina Vice Ganda sa GMA?
Hintayin na lang po natin ang susunod na statement na ilalabas ng Kapuso managent matapos ang kontrata ng IS.
***
SI Donny Pangilinan ang cover ng latest issue ng Vogue Man Philippines.
Ang teaser niya sa magazine, “I’m in a position to help improve the lives of others around me and those who don’t have the same privilege and have so much potential to be so much more. I love that I can be a vessel,” aniya sa interview.
“Being part of change in general will always be something that I look for and be hungry for when I do anything. I love seeing other people happy, especially the ones I love,” dagdag pa ng actor.
May bagong project si Donny kung saan kapareha niya ang perennial screen partner na si Belle Mariano, ang “How To Spot A Red Flag.”
Sa kanyang IG account ay may post ang actor sa ilan niyang photoshoot.
Hindi mapigilan ng gen-Z girls na di humanga sa gwapong anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.
“GWAPO SOOOO MUCH”
Ang kanyang celebrity mom na si Maricel ay hindi napigilan ang sarili na palakpakan ang anak.
Nagkomento siya ng clap emojis.
Maging ang kanyang ama ay nagbigay ng komento.
“Whooahhh thank you @voguephilippines for this honor. Proud of you, son!”
“Most handsome of these generation”
“Ang pogi ng jowa mo @bellemariano sana all”
Kinontra naman ng isang commenter ang komento.
“Di niya jowa yan di nagjojowa si belle ng red flag teh”