Advertisers

Advertisers

Arjo pampakalma si Maine pag tinotopak

0 46

Advertisers

Ni Archie Liao

AMINADO ang magaling at award-winning actor na si Arjo Atayde na tulad ninuman ay may mga paborable at hindi paborable siyang mga araw.

Dahil tao lang, hindi raw naaalis na minsan ay tinotopak siya.



Pero malaking bagay daw na nagpapakahinahon siya sa ganoong mga situwasyon.

Sensitibo rin daw siya sa pakikisalamuha sa mga taong kanyang nakakaharap para hindi madamay ang mga ito if he has a bad day.

“Ingat lang lagi. Kasi when I faced with that situation, it’s either I just walk away for a while or chill muna. I try to avoid them for a while baka kasi may masabi ka o magawa na uncalled for. So, it’s better to choose kindness. It pays to be compassionate and understanding, ” aniya.

When faced with a bad day o may topak, ang mga yakap daw ng misis na si Maine Mendoza ang nagpapakalma sa kanya.

Nag-enjoy naman si Arjo sa pagggawa ng kanyang MMFF entry na Topakk.



Ito ay kahit nagkasugat-sugat at nagkaroon siya ng mga galos while doing the Richard Somes megger.

“Gusto ko naman ito. We all have bruises and everything. Since naman tayo gumagawa ng movies at teleserye na may action, we expect those bruises and wounds. It’s part of the fun. Masakit siya pero it’s part of the fun. It’s part of everything kasi di naman sinasadya na accidents do happen and that happen also with some actors, ” lahad niya.

Sobra raw naman siyang bilib sa pagiging trooper ni Julia Montes na hindi nagreklamo kahit napako while doing some crucial action scenes.

Hindi naman niya ikinaila na labis siyang na-immersed sa kanyang role bilang sundalong may Post Traumatic Stress Syndrome sa nasabing pelikula.

“It’s a very well thought of concept by direk Richard. I’m just lucky to be on board, to be doing a project with Direk Richard,” saad pa ng aktor at public servant.

Bilang paghahanda sa kanyang super challenging na karakter, nag-research din daw siya tungkol sa nasabing psychological condition.

“I watched videos sa YouTube about people suffering from PTSD. I studied my role. Nung binigay sa akin ang role, I told direk na mag-send ng videos sa akin and I watched them bago matulog.

“‘Yun ang assignment ko. At least once a day, either day or night, make sure to watch these videos,” esplika pa ng kongresista.

Hirit pa niya, more than a psychological or mental state, the condition calls for compassion and understanding.

Ang Topakk ay nag-premiere sa 78th Cannes Film fest at pinalakpakan sa 76th Locarno Film Festival noong nakaraang taon.

Mula sa produksyon ng Nathan Studios at sa direksyon ni Richard Somes, tampok din sa pelikula sina Julia Montes, Sid Lucero, Enchong Dee, Kokoy de Santos, Michael Roy Jornales, Vin Abrenica, Paolo Paraiso at marami pang iba.

Kalahok sa 50th edition ng MMFF, mapapanood na ang action event of the year sa mga piling sinehan sa buong bansa simula sa Disyembre 25, Araw ng Pasko.