Advertisers
Para sa epektibong pagpili ng mga karapatdapat na maluklok sa panunungkulan para sa PHILIPPINE GOVERNMENTay isinusulong ngayon ng ONE BANGSAMORO MOVEMENT (1BANGSA) na mapagkaisa o magkaroon ng UNITY ang 10 milyong FILIPINO MUSLIM.
Sa lingguhang KAPIHAN SA METRO EAST MEDIA FORUM na inorganisa ng PaMaMariSan-RIZAL PRESS CORPS kaagapay ang PINOY AKO ADVOCACY GROUP ay naging panauhin si MAULANA “ALAN” A. BALANGI na siyang NATIONAL PRESIDENT ng 1BANGSA.., ay nagsaad ito na ang kanilang grupo ay isang federation ng MUSLIM ORGANIZATIONS mula sa loob at labas ng BANGSAMORO AUTONOMOUS REGION IN MUSLIM MINDANAO (BARMM).
Sa pamamagitan ng REPUBLIC ACT No. 11054 ay naitatag ang BARMM na kasalukuyang nasa transition process.., na ngayon ay kanilang minimithi na magkaroon ng PAGKAKAISA ang milyon-milyong botante mula sa BARMM kasama na ang mga nasa iba pang lugar ng ating bansa para sa isang solidong boto sa 2025 MIDTERM ELECTION.
Ayon kay BALANGI.., simula pa umano noong 2008 ay aktibo na siya sa pagsusulong ng PEACE TALKS lalo na noong mabigo ang pagpirma sa MEMORANDUM OF AGREEMENT ON ANCESTRAL DOMAIN (MOA-AD).., kaya nabuo ang 1BANGSA para ituloy ang COMPREHENSIVE AGREEMENT ON THE BANGSAMORO.., yun nga lang ay naapektuhan ito ng MAMASAPANO INCIDENT noong 2015.
Sa pagkakatanggal naman ng SULU sa BARMM ay binatikos ito ng 1BANGSA na ayon sa kanilang pagpupunto ay sisira umano sa makasaysayang kahalagahan ng rehiyon at bagaman ang SULU ay kasama sa original na BARMM ay bomoto ang probinsiya ng “NO” sa plebisito kaya idineklara ito ng SUPREME COURT na hindi ito sakop ng BARMM.., na ang ipinupunto ni BALANGI ay nagpasimula sa SULU ang kasaysayan ng PAGKAKAISA ng BANGSAMORO kaya mahalaga umano ang muling mapabilang ang SULU sa BARMM.
Sa nalalapit na ELECTION ay maglulunsad ang 1BANGSA ng REGIONAL SUMMITS gayundin ng NATIONAL SUMMIT na libo-libong BANGSAMORO at 350 LEADERS ng mga MUSLIM COMMUNITY ang magtitipon para sa pagpili ng mga kandidatong kanilang susuportahan sa MAY 12, 2025 ELECTIONS.
“If there is ‘Solid North’ in Luzon, ‘One Cebu’ in Visayas, we also have ‘One Bangsamoro’ in Mindanao,” pahayag ni BALANGI at sa loob umano ng halos 2 dekada ay hindi sila humingi ng tulong-pinansiyal mula sa sinumang mga politiko!
Ang pagkakaisa at pagkakaroon ng mga lider na tunay na magtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran para sa BANGSAMORO ay mahalagang aspeto umano ayon kay BALANGI!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.