Advertisers

Advertisers

Titser, patay sa bangga ng kotse

0 14

Advertisers

NASAWI ang 33-anyos na babaeng guro nang mabundol at makaladkad ng kotse habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Leon, Iloilo.

Kinilala ang biktima na si Lorelie de los Reyes, kilala sa Isian Norte Elementary School bilang masayahing “Ma’am Letlet”.

Ayon kay Regie, mister ni Lorelie, nakatanggap siya ng impormasyon gabi ng December 3, 2024, na naaksidente ang kani-yang maybahay pero hindi niya alam na malubha ang nangyari.

“Tumuloy ako sa Aleosan (District Hospital). Hindi ako kinabahan kasi ang sabi sa akin na-sideswipe lang. Tapos pagdating ko, na-shock ako dahil wala na siyang buhay,” malungkot na kuwento ni Regie.

“Tutulong ang lahat, hindi lang ako kundi ang iba pang teachers sa District 1. Mahal ka namin Let, sa buong District 1 ng Leon,” sabi ni Arlene Joy Cabarles, officer in charge sa Isian Norte Elementary School.

“Ma’am kung saan ka man, sana mahalin mo kami at banta-yan pati ang mga teachers at buong paaralan,” sambit naman ng estudyanteng si Yanyan.

Hinihinala ng pulisya na nakainom ang driver ng kotse na nakadisgrasya sa guro na si Philip Maderaje.

“Huli na siya napansin, at sa pag-imbestiga natin medyo nakainom. Kaya hindi niya napansin at mabilis ang kaniyang pagpapatakbo,” ayon kay Police Captain Martin Pugales, hepe ng Leon Municipal Police Station.

Mahaharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.