Advertisers
NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpapatuloy niya ang land reform na sinimulan ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Sa kanyang talumpati sa pamamahagi ng land titles at certificates of condonation sa Sarangani, sinabi ni PBBM na ipamahagi ang mga titulo ng lupa sa mga magsasakang nagsusumikap para pakainin ang mga Pilipino.
Aminado naman ang Presidente na hindi naresolba ng mga nakaraang administrasyon ang mga suliranin ng mga magsasaka sa ilalim ng mga programa ng reporma sa lupa.
Dahil dito, inuuna ng kanyang administrasyon ang pagbura sa pagkakautang ng mga magsasaka at ang agarang pamamahagi ng mga Certificate of Land Ownership Awards (CLOAs). (Gilbert Perdez)