Advertisers
NAGHAHANDA na ang Iglesia ni Cristo (INC) para sa pagsasagawa ng nationwide prayer rally upang ipagdasal na manaig ang kapayapaan sa gitna ng tumitinding bangayang pulitikal dulot ng paghahain ng impeachment complaint sa Kamara laban kay Vice President Sara Duterte.
“Ang mga kapatid sa Iglesia ay naghahanda na magsagawa po ng rally,” sabi ni Gen. Subardiaga nitong Miyerkules, Disyembre 4 sa kanyang programa sa Net25, na pag-aari ng INC.
Sinabi ni Subardiaga na sinusuportahan ng INC ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na huwag ituloy ang paghahain ng impeachment complaint laban kay VP Sara dahil wala diumano itong maidudulot na kabutihan para sa bansa.
“Medyo klaro naman po ‘yun mga napanood ko (sa Net25). Sinasabi nila very supportive sila sa President,” ayon naman kay La Union 1st District Rep. Paulo Ortega.