Advertisers
NASAWI ang isang miyembro ng Citizens Armed Force Geographical Unit (CAFGU) nang tambangan sa Barangay Panubigan nitong Miyerkules, December 4.
Sa hiwalay na ulat nitong Huwebes ng mga opisyal ng Zamboanga City Police Office at ni Brigadier Geneneral Bowenn Joey Masauding, director ng Police Regional Office-9, kinilala ang nasawi na si Jose Jay Dagalea, kasapi ng isang CAFGU team sa isang detachment sa Barangay Panubigan.
Sa ulat, magkaangkas sa motorsiklo si Dagalea at kanyang misis na si Rubylin nang paputukan ang mga ito ng mga lalaking nakaabang sa kanila sa isang bahagi ng highway sa Barangay Panubigan.
Ayon kay Rajal Arakani, barangay chairman ng Panubigan, mabilis na nakatakas ang mga sa-larin sakay ng mga motorsiklo.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa krimen.